SOY 02

6 0 0
                                    

*HIS HELP

________

Late na akong nagising dahil ala una na akong nakatulog kagabi kaya heto ako ngayon bilis bilis na sa pagbibihis hindi para pumasok kundi para ihatid ang dalawa kong batang pinsan sa paaralan. Mamaya pang alas nwebe ang klase ko samantalagang ang sa dalawang bata ay alasyete.

"Aysellll bilisan mong kumilos dyan , mahuhuli natong mga to!!! ," sigaw ni Tiya Glenda sa akin

"Ohooo , pababa na!!." sabi ko

Hindi na ako nagsuklay pa , basta ko na lamang itinali ang aking buhok at dire diretsong bumaba.

"Tara na Totoy at Tinay." Sabi ko at nagdirediretso sa lamesa para kumuha ng isang pirasong tinapay na dala ko kagabi dahil iyon na lamang ang natira sa lamesa.

Lumabas na kami sa bahay para sumakay ng trysikel papuntang school. Nang makarating kami sa school binayadan ko na ang driver saka nag diretso sa gate.

" Ate Aysel wala po kaming baon , sayo muna daw po kami hihingi ni Totoy sabi ni mama."  mahinhing sabi ni Tinay sa akin

Walang alinlangan kong kinuha ang aking wallet na mayroong lamang singkwenta saka nakangiting ibinigay sa dalawang bata.

"Sure , Ate Aysel got you two."   Itinuro ko pa silang dalawa saka mahinang tumawa.   "Sige na , baka malate pa kayo."

Nang pumasok si Tinay at Totoy sa kanilang paaralan ay saka lamang ako naglakad. Wala na akong pamasahe dahil sisingkwenta lamang naman ang mayroon ako ngayon at naibigay pa sa dalawang bata kaya no choice , kailangan na maglakad ng may dyo kahabaan , medyo lang naman.

Mamaya pa pagkatapos ng klase ang sahod ko sa aking pinagtatrabahuhan kaya mukhang wala pa akong   panlibre  kay Zach , bahala na mamaya.

Nang makarating ako sa bahay nakita ko si Tiya Glenda na nagyoyosi na naman habang nakikipag usap sa aming kapit bahay ngunit ng makita nya ako ay mabilis itong lumapit sa akin paklra kausapin.

" Nabigyan mo ba ng baon si Totoy at Tinay?." Tanong ng tiya

"Oho."

"Nga pala , tumawag sa akin ang kapatid mo sa probinsya si Ian. Kailangan daw nya ng pera para sa project para sa school ay wala daw ang nanay at tatay na perang limang daang  piso kaya sayo humihingi." mahabang lintana niya

Tumango na lamang ako saka ngumiti bago pumasok sa loob ng bahay ", Oho ako na ang bahala. Magpapadala ako bukas."

Alas otso pa naman kaya naglaba na lamang muna ako ng mga maruruming damit bago maligo at maghanda para sa pagpasok.

Habang naglalakad ako patungo sa Faith University kung saan ako napasok , inaalala ko ang mga nareview namin kahapon ni Zach at laking pasasalamat ko ng matandaan halos lahat ng mga ito.

Dapat si Zach na lang naging teacher ko para may naiintindihan ako kahit papaano.

Pagpasok na pagpasok ko sa aking room pupuntahan ko na sana si Zach na ngayon ay nagbabasa sa kanyang mahiwagang libro ng dumating si Mr. Valdez our Calculus teacher.

"Good day everyone , we have a surprise quiz." Mr. Valdez started.

Maaring kung itoy normal na araw akoy kakabahan pero dahil itoy hindi , nakangiti kong kinuha ang papel sa aking bag habang tinitingnan ang isinusulat ni Mr. Valdez sa pisara na equation.

Nang magreview kami ni Zach kagabi patungkol sa lesson namin sa Chemistry , may ilan din syang itinuro sa akin sa Calculus at pagsinweswerte ka nga naman , yun mismong itinuro nya sa akin ang aming quiz ngayon.

STUCK ON YOUWhere stories live. Discover now