Chapter 1 // Home

9 2 0
                                    

Samariya's PoV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatana sa mukha ko. Panibagong araw. Panibagong simula... kung saan ako na lang mag-isa. Hay. Bukod sa masakit kaunti ang katawan ko dahil sa higaan, masakit din ang puso ko. Mas masakit pa nga ito kumpara sa lahat ng sakit ng naranasan ko sa buong buhay ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Sabagay, kahapon lang iyon nangyari, malamang ay sariwa pa rin 'yon sa isip ko. Pero bakit nga ba kasi nagka-gano'n? Saan ba 'to nagsimula? Parang biglaan naman yata? Ni wala man lang kaming nabalitaan mula sa radyo o telebisyon, at maging sa social media.

At bakit kailangan pang lumaban nila Mama at Papa kung p'wede namang umalis na lang kami at maging ligtas? Bakit din ang daming armas na nakatago sa kwarto nila? Wala naman iyong koneksyon sa mga trabaho nila. Si Papa ay isang Chem niist at si Mama naman ay Doctor. Ano namang kinalaman ng mga baril, katana at kung anong armas sa mga propesyon nila?

Naiintindihan kong may pagkahilig sa mga bagay na 'yon si Papa dahil ang balak niyo sana noon ay maging sundalo. Madami siyang alam patungkol sa mga iyon kaya naman tinuruan niya rin ako. Pero paano naman natuto si Mama? Wala naman siyang hilig doon. Sa katunayan nga ay ayaw niya ang pagkahilig doon ni Papa na dinadamay pa ako. Ang hilig ni Mama ay ang pag-aaral sa mga sakit at kung ano pang may koneksyon sa pagiging Doctor niya.

Oh wait—

My father is a Chemist but an aspiring Soldier before and my mother is a Doctor. Shoot! I really can survive dahil sa mga kaalaman na natutunan ko sa mga magulang ko! And the fact that I'm in a forest, mas malaki ang magiging advantage ko para maka-survive. Luckily, my father taught me how to use weapons and my mother taught me about diseases and how to heal wounds properly. Perks of being an only child na pinag-a-agawan ng mga magulang at tinuturuan ng mga bagay na gusto nila.

Agad akong bumangon at nag-stretch-stretch 'tsaka binuksan ang bag ko. Gaya nga ng sabi ko ay malaki ang bag at ngayon ko lang nakita na may folding bed pala rito, isang unan at kumot. Maayos sana ang tulog ko kagabi kung nakita ko itong mga 'to. May mga pantal tuloy ako na kagat ng mga lamok. Isa-isa kong nilabasan ang mga laman ng bag at mabuti na lang dahil may mga pagkain. Hindi naman halatang pinaghandaan ni Mama ang pamumuhay kong mag-isa.

Tinapay lang ang kinain ko at uminom ng tubig. Kailangan ko ayusin 'tong bahay ko kaya naman plano kong ayusin lang ito buong araw. Hindi rin naman ako p'wedeng bumalik sa lugar namin dahil delikado. Sa susunod na lang siguro kapag handa na ako. Sa ngayon ang kailangan kong gawin ay mapanatili ang kaligtasan ko rito sa gubat. Wala ngang mga zombie rito pero hindi ibigsabihin noon ay ligtas na ako sa mga mababangis na hayop na naninirahan dito.

Muli kong kinuha ang katana ko at gumuhit sa lupa ng panibagong parisukat na kadugtong lamang ng kasalukuyan kong bahay. Mas malaki ito kumpara sa nauna, ito ang gagawin kong kwarto. Pukpok dito, pukpok doon. Tali rito, tali roon. Nakapapagod pero kailangan ko 'tong gawin. Nang matapos ko ang bubong ng bahay ay lumipat naman ako sa haligi at dingding. Bukod sa mas malaki ito, mas matibay din ito kumpara sa nauna. Maayos na rin dahil may pintuan at bintana. Gumawa din ako ng cabinet na paglalagyan ko ng mga gamit ko at lamesa at upuan. Sinimulan kong iayos ang gamit ko sa kwarto at saktong-sakto lang ang lahat.

Sa tingin ko ay sa susunod na araw babalik na ako sa lugar namin. Bukod sa kailangan kong tignan kung ando'n pa ang katawan nila Mama at Papa. Kailangan ko rin manguha ng mga gamit na kakailanganin ko rito sa gubat. Titignan ko na rin ang bahay namin para makakuha pa ng iba kong personal na gamit at armas. At higit sa lahat ay suplay ng pagkain dahil siguradong mauubusan ako sa pananatili ko rito. At sana sa araw na 'yon ay maging ligtas ako at makabalik nang maayos dito.

Palubog na naman ang araw. Hudyat na muli akong naka-survive ngayong araw. Pangalawang gabi ng pananatili ko rito at pagiging mag-isa. At pag-gising ko bukas ay pangalawang araw na ng pagkawala nila. Ni hindi ko man lang sila nabigyan nang maayos na libing. Hindi ko alam kung kailan matatapos 'tong sakit sa loob ko. Sa tingin ko nga ay hindi na at araw-araw na lang akong magluluksa. Hindi man iyon halata dahil sa mga ikinikilos ko pero kitang-kita naman ang pagdadalumhati ng mga mata ko kapag tinignan mo.

RefugeWhere stories live. Discover now