Chapter 2 // Companion

12 2 1
                                    

Samariya's PoV

Hindi ako makagalaw at nanatiling nakatayo sa pwesto ko. Kasalukuyang may nakatutok na baril sa ulo ko at ano mang oras ay p'wede niyang kalabitin ang gatilyo at siguradong patay ako. Who's this person? Anong ginagawa niya rito sa bahay namin?

"Who are you?" A man's voice. Is he the sniper? Nasa bahay namin siya?

"Samariya," I answered. Wala namang masama kung sasabihin ko ang pangalan ko, 'di ba? Wala namang rason para itago ko pa ang pagkatao ko sa taong 'to.

"What are you doing here?" He asked.

"Just looking for some resources and survivors."

Inalis niya ang baril na nakatutok sa ulo ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Lumingon ako sa kaniya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. He's wearing my father's clothes. May fresh cuts sa mukha at may bandage sa kamay. Makapal ang kilay at maitim ang mga mata. Mas matangkad siya sa akin at maganda ang katawan. Matangos din ang ilong at maganda ang labi and he has a sharp jawline.

"Who are you and what are you doing here?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong.

"You don't need to know me." Nilampasan ako nito at tumingin sa hagdan papunta sa second floor ng bahay namin. "You can go out now, she's nothing." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. What the heck? Nothing? How dare him to say that?

Napatingin ako sa hagdan nang bumaba rito ang isang batang babae. Sa tingin ko ay walong taong gulang pa lang. Suot niya ang pinaglumaan kong puting bulaklakin na bistida na sa tingin ko ay nakita nila sa mga kahon ko sa kwarto. Sakto lang sa kaniya ang damit at bagay sa maganda niyang mukha.

Tumingin ito sa akin kaya bahagya akong ngumiti pero nagtago lang siya sa likod ng lalaki. What? Mukha ba akong may gagawing masama sa kaniya? Psh!

Maglalakad na sana ako papunta sa kusina ngunit hinawakan niya ang braso ko nang matapat ako sa kanila. "Where are you going?"

"In the kitchen, mangunguha ng pagkain," sagot ko at binawi ang braso ko. Pero hindi pa ako nakakalayo nang hilain niya ako. "Ano ba?" asik ko.

"There's only a few stocks and it's only enough for us two." Tinuro niya ang bata na nasa tabi niya. I feel bad for her.

Huminga na lang ako nang malalim at aakyat na sana sa kwarto ko nang hilain niya na naman ako. Ugh! What the hell? Bakit ba siya nanghihila?

"Saan mo balak pumunta?"

"In my room."

"Huh?"

"In my room," Pag-uulit ko pero nanatiling nakakunot ang noo niya. "I live in this house. You're wearing my father's clothes and your sister or daughter—" he raised his hand.

"She's my sister."

"Uh whatever. Your sister wears my old dress. Get it?" Tinitigan niya lang ako sa sinabi ko kaya napairap na lang ako at muli sanang maglalakad papunta sa kwarto ko nang marinig ko siyang magsalita.

"Killian." I raised my left eyebrow at what he said. "That's my name, and this is my sister, Kean."

"Okay, Killian." Diniinan ko pa ang pagbigkas sa pangalan niya at tuluyang umakyat sa kwarto ko.

Nice name.

Pagpasok ko sa kwarto ay sinimulan kong manguha ng mga damit ko at ibang personal na gamit, kinuha ko rin ang family picture namin na nakalagay sa side table ng kama ko. Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto nila Mama at Papa. Ang bigat sa pakiramdam. I used to sleep here when I was kid kapag hindi ako makatulog. Nagkakaroon din kami ng simpleng bonding dito noon. I miss them so much.

RefugeWhere stories live. Discover now