JOURNEY 8

45 31 0
                                    

Ikawalong Paglalakbay:
Islang Copol

[ Jaiyana’s Point of View ]





Nagising ang diwa ko sa ingay ng dalawa kong kasama na ngayon ay nagsisigawan dito sa bangka namin. Huminga ako nang malalim at mataman silang tiningnan. Tumikhim ako’t bumwelo para magsalita.

“Ano sa tingin n’yo ang ginagawa ninyong dalawa?” taas-kilay kong tanong dahilan upang makuha ko ang atensyon nila.

“Pagsabihan mo itong kasama mo, kung ano-anong pinapagawa sa akin.”

“Aba’t, hindi puwedeng ako lang ang magsagwan!”

“Noong wala naman ako, iyan na rin naman trabaho mo ah? Bakit kailangan mong ipasa sa akin?” anas ni Osiris kay Maui.

“Jaiyana, pigilan mo ako. Kukutusan ko itong kutong-lupa na ito.”

Napailing ako sa alitan nilang dalawa. “Pati ba naman bata pinapatulan mo, Maui.” Ngumisi si Osiris nang marinig ako tinuran ko. Napabuntong-hininga ako.

“At ikaw namang bata ka, matuto kang sumunod. Itong taong parati kang inuutusan ay siya ring tao na nagpapakain sa iyo.”

Pareho silang tumahimik sa mga sinabi ko. Para silang mga aso na kapag pinagalitan mo e, parang napakaamo, tsk. Tipid akong ngumiti at sabay na hinawi ang pareho nilang buhok dahilan upang tingnan nila ako.

“Anong mga tingin iyan?” kunot-noong usisa ko sa kanilang dalawa at nagulat na lamang ako nang magkasunod nila akong yakapin. Si Osiris ang naunang yumakap, sumunod si Maui.

“Sana parati kang ganito, binibini.” komento pa ni Maui sa akin. Anong ibig niyang sabihin?

“Anong—” naudlot ang nais kong sabihin nang biglang sumingit si Osiris.

“Ang sakit!” pigil ang tawa kong pinakawalan silang dalawa. Hindi ko namalayang napitpit na pala ang bata sa gitna namin ni Maui.

“Masyado kang maliit, bata.”

“Ang kapal—”

“Magsagwan ka na, narinig mo naman si Ate Jaiyana mo ‘di ba? Matutong. . . sumunod,” aniya na sinadyang pang ipagdiinan ang nasabi ko kanina. Huminga ako nang malalim at muling umupo sa puwesto ko.

Itong dalawang ‘to talaga, oo.

Ilang sandali pa ay napatingala ako sa langit. Doon ko nakita si Alev na naglalaro sa mga ulap.

Grabe, ang taas ng lipad niya. Hindi ba siya napapagod na gamitin ang pakpak niya? O sanay na siya kaya hindi siya nagpapahinga?

Tumikhim ako at wala sa wisyong bumulong. “Nais ko rin sanang makita ang ibabaw ng mga ulap.”

“Narinig kita, binibini.” Namilog ang pareho kong mata nang maramdaman ko ang paglapit ni Alev sa akin, mas lalo na noong sumagot siya.

H-Huwag mong sabihin na. . . narinig niya iyong sinabi ko?

“Sakay,” wika nito na parang tunog nag-uutos pa.

Aba’t...

“A-Ayoko nga.” Sandali ako napalunok at inisip ang naging tugon ko.

Anong— saglit nga, bakit ako nautal!?

“Ikaw din. . . bahala ka,” anas nito saka umaktong lilipad na naman siya patungo sa kalangitan. Napalunok ako at mariing napapikit.

The Last Warrior Killer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon