JOURNEY 11

41 29 0
                                    

Ikalabing-isang Paglalakbay:
Dragon’s Confession

[ Jaiyana’s Point of View ]





“May gusto ka sa kaniya, ano? Umamin ka na.”

“Ha? Anong pinagsasabi mo riyan?”

“Napansin ko kasing... iba iyong mga tinginan mo kay Jaiyana, e. Imposibleng dahil sa niyog na nakain mo sa islang copol ang dahilan.”

“Hindi rin naman ko naniniwalang nagayuma ako, Maui.”

“Kaya. . .”

“Tsk. Oo na. Gusto ko nga siya dahil ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko.”





Nagising ang diwa ko dahil sa bulungan sa paligid. Sinamaan ko nang tingin ang dalawang lalaki na nasa uluhan ko. Pareho pa silang nag-iingay gayong alam naman nila na tulog ako. Bumangon ako at isa-isa silang tinitigan.

“Oh, gising ka na pala.” ani Alev saka umatras palayo sa puwesto ko. Nangunot ang noo kong napatingin sa kanilang dalawa ni Maui.

May dapat ba akong malaman sa napag-usapan nilang dalawa? Bakit parang...

“Ate Jaiyana!” Naantala ang pag-iisip ko nang biglang lumundag sa tabi ko si Osiris, niyakap niya ako.

Huminga ako nang malalim saka ko siya tiningnan. Doon ko lang napansin ulit na umiiyak na naman siya.

“Paano ba iyan? Nakabalik ako?” patanong kong sambit dahilan para ngumiti ang batang kasama namin.

“Maraming salamat,” bulong niya saka muling yumakap sa akin. Ilang sandali pa ay kumawala na rin si Osiris at si Maui naman ang kinulit niya.

“Bago ang lahat. . . alam kong nagugutom na kayong dalawa,” usal ni Maui na mukhang ako at si Osiris pa ang tinutukoy.

“Aalis na muna kami ni Alev para makahanap ng pagkain. At hangga’t maaari, huwag kayong lalabas dito sa kuweba ha? Hindi natin alam kung anong mayroon sa labas nito. Mahirap na,” dagdag pa nito.

“At isa pa, umuulan ng yelo ngayon. Mas maganda nang manatili kayo rito sa hindi gaanong malamig,” aniya muli.

“Ikaw Jaiyana, magpahinga ka. Osiris, bantayan mo si Ate mo,” dagdag bilin pa ni Maui dahilan upang tumango si Osiris. “Opo, masusunod.”

Ngumiti si Maui saka hinawi ang buhok ni Osiris. Doon ay nagpauna si Alev na lumabas ng kuweba, sumunod sa kaniya si Maui. Ilang oras pa ang nakalipas bago sila ulit nakarating sa kuweba kung saan nila kami iniwan.

“Kumain na tayo,” paanyaya ni Alev na syempre hindi namin tinanggihan.

Gumawa ng paraan si Maui upang makapagluto siya ng pagkain. Gamit ang dala nilang mga putol-putol na kahoy, may kinuhang dalawang bato si Maui saka pinagdikit iyon, doon nagsimula ang apoy na siyang inilagay naman niya sa nakaimbak na mga kahoy.

Sa wakas, nakaramdam din kami ng init.

Unang lumapit sa apoy si Osiris. Kaagad siyang pinigilan ni Maui dahil baka mapaso naman siya kapag napasobra ang paglapit niya sa apoy. Ngayon ay paikot kaming umupo, nasa gitna namin ang apoy.

May iniihaw na baboy at manok si Maui. Tinulungan siya ni Osiris na mag-ihaw. Si Alev naman ay nakaalalay sa akin, nasa likuran ko siya, kasalukuyan itong nakaupo habang ang tingin niya’y nasa apoy din.

Hinayaan niya rin akong sandalan ang katawan nito. Hindi kasi ako makatayo nang tuwid, e. Nahihilo pa rin ako. Si Maui naman, maya-maya’t ang pagkapa sa noo ko o ’di kaya’y sa leeg.

The Last Warrior Killer [COMPLETED]Where stories live. Discover now