Chapter 5

2.9K 62 8
                                    


" Sorry, but Pres pinapatawag ka sa Faculty room. May nagreklamo raw kasing student sa'yo." ani Owel. Sanay na siyang makita si Gov dito. Alam din ng Principal 'pag pumupunta siya dito. Hindi ko nga alam paanong pinapayagan 'yan e, ginagamit niya ata yung pagiging gobernador niya.

" Na naman?" inis kong tanong.

" Yes, but this time sa faculty room lang. Mauna na 'ko, goodluck. " nakangisi pang sabi niya.

" I bet, ikaw na naman yung tama d'yan" ani Gov saka naupo sa sofa.

" Kailan ba 'ko naging mali? " I joked.

" Yeah, right. " tango niya habang nakangisi.

Tumayo na ako at hindi na nagpaalam sa kanya. Pinanindigan na namin yung pagiging magkaibigan namin. Hindi ko rin alam kung paano ko nakayanan ang kakulitan niya.

Pagpasok ko sa faculty room ay hindi ko alam saan ako pupunta. Kaninong teacher ba nagreklamo?

" Here, iha. " tawag ni Ma'am Lizette, practical research teacher namin.

I silently laugh, Gov is right. Ako na naman ang tama. Seryoso akong lumapit sa kanila. Lakas ng loob magsumbong, ah.

" Sabi ng groupmates mo sa research ay hindi mo raw sinama yung pangalan nila roon sa research niyo. Tinignan ko yung record ko, dalawa lang kayong merong grade sa grupo niyo. Ang sabi naman nila ay may tinulong sila. What happened?"

Hindi ako nagsalita, kinuha ko lang yung cellphone ko saka pinakita yung mga screenshot ko.

Mukhang nagulat sila nang may ipinakita akong screenshot.

" Research ang pinapagawa ko, hindi reporting. Tinuturuan na kayo kung paano, tumanggi pa kayo. Ang lakas pa ng loob niyong magsumbong, kayo naman yung mali. What's wrong with you, students?" galit niyang sabi sa mga students na nagsumbong. Si Ma'am Lizette ang pinaka mahigpit naming teacher, diyan pa sila nagsinungaling.

" Salisha, you may go now." seryoso niyang sabi.

" Oh what happened?" bungad ni Gov pagpasok ko sa office. Dumiretso ako sa swivel chair ko saka kinain yung cake.

" Natutuwa talaga ako kapag napapahiya sila" sabi ko saka kumain ulit ng cake.

Humalakhak naman siya. " Is that your happy face?" aniya saka tinuro ang mukha ko. Inirapan ko naman siya.

" You're right again, aren't you?" tanong niya, tumango naman ako habang ngumunguya.

" I knew it! Hahaha" hinayaan ko lang siyang tumawa dahil busy ako sa pagkain. Saktong isusubo ko na ang tinidor nang bigla niyang hawakan ang pulso ko saka sinubo sa sarili niya. Nagulat ako sa ginawa niya.

" You have your own fork, why don't you feed yourself " inis na sabi ko.

" Yours tastes better" aniya saka nginuya yung cake ko. Napatingin ako sa cake niya, kalahati pa 'yon. Wala naman siguro niyang laway 'yon dahil nagtitinidor siya.

Agad kong kinuha yung cake niya saka kinain.

" Hey! That's mine." sabi niya saka pilit kinukuha kaya naman pinadaan ko ang daliri ko sa taas ng cake kaya medyo nawala ang icing sa taas. Napatigil naman siya.

" This is mine." Nakangisi kong sabi saka nilapag ang cake niya sa lamesa para ubusin yung akin. Hindi niya na gagalawin 'yan dahil may lasa na ng kamay ko 'yan.

Tinignan ko siya nang kuhanin niya ang tinidor niya saka kumuha pa rin ng cake na may lasa na ng kamay ko saka kinain.

" Tastes better " aniya na parang ang sarap sarap ng kinakain.

The Governor's Obsession ( SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon