Chapter 19

1.9K 47 15
                                    

⚠️ Grammatical error/s ahead.

I badly want to reply but whatever I'm doing is also for him. This is for his new project and for my peace of mind even in the short period of time.

Dad's messages is the same as Achlys.

I know they're worried about me but I don't want to think about it right now. I want to think about myself. I want to be selfish. Kahit ngayon lang.

Ilang taon na puro sila ang iniisip ko. This time, ako naman muna.

Nakatulugan ko na ang pag iisip at nagising na lang ako sa tunog ng doorbell.

Iika-ika akong lumapit sa pinto saka tamad na binungaran ang tao.

" Good afternoon, ma'am. Your lunch is already here." nakangiting bungad ng isang babaeng hapon na mukhang staff din dito.

Tinaggap ko ang pagkain dahil ramdam ko na rin ang gutom. Nagpasalamat na ako bago pumasok.

Sa maghapon ay nanatili lang ako sa kwarto ko. Matapos kong maglunch ay natulog lang ulit ako. Paggising ay inayos ko na ang mga gamit ko dahil bukas, pupunta na ako sa sementeryo kung saan nilibing ang bangkay ni  mommy.

Naka-'do not disturb' ang phone ko dahil maya't maya ang ring nito. 

Bumili na lang ako ng ramen sa pinakamalapit na store na nakita ko sa baba para sa dinner ko. Mabuti na lang talaga ay marunong ako kahit papa-ano ng japanese kaya medyo nagkakaintindihan kami nung cashier.

Kinabukasan, after kong magbreakfast ay bumyahe ako papuntang Hiragish Cemetery. Pagdating ko roon ay hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap dahil malawak ang lugar. Harap pa lang ang nakikita ko, sa tingin ko ay mahigit dalawang daan'g puntod na ang nandito.

Paniguradong matatagalan ako dahil medyo iika-ika pa ako maglakad. Inumpisahan ko sa pinakaharap. Hindi pa ako nakaka-abot sa kalahati ay masakit na ang paa ko.

" Makikiupo po." mahina kong wika bago umupo sa isang puntod na may kataasan. Mabuti na lang din at may dala akong tumbler kaya may maiinom ako.

Nag-stay ako ng ilang minuto doon bago tumayo. Unang hakbang ko pa lang paalis ay napatigil agad ako. May natamaan ako at kinabahan ako nang mapagtanto kung ano 'yon. Kandila.

Mabilis pa sa alas kwatro kong itinayo ang puting kandila na nataumba ko. May bulaklak din sa tabi nito na hindi ko namalayang natapakan ko.

" Hala! I'm sorry. Gosh! I'm sorry, sorry." paulit-ulit kong sabi habang hinihimas ang puntod.

" Sorry po. I'm really sorry. I didn't mean it, I'm sorr--"

Napatigil ako sa paghimas nang mabasa kung sino ang nag mamay-ari ng puntod.

Sanisha V. Venir
Date of birth: March 18 1980
Died : August 27 2003

" M-mom."

M-mommy?

Napaluhod ako sa sorbang panghihina. Tinignan ko ng maigi ang nasa harap ko saka naiiyak na hinimas ang pabilog na litrato ng mommy ko.

Napakaganda niya.

Dinouble check ko ulit ang nakasulat sa lapida at tuluyan akong naiyak nang masigurong nanay ko nga ang nakalibing dito. Patay na talaga ang mommy ko.

Aaminin kong umaasa ako na buhay siya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako susuko hanggang sa makita mismo ng mga mata ko. Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa pero tuluyan nang gumuho ang pag-asang 'yon dahil nasa harapan ko na mismo ang ebidensiya, hawak-hawak ko pa.

"M-mommy. Its me, y-your daughter." napatigil ako sa pagsasalita dahil nangibabaw sa akin ang munting hikbi. " I.... I love y-you, mommy."

Nanatili akong nakaluhod habang patuloy na lumuluha. Iba pa rin talaga ang sakit kapag nasa harap mo na. May mas isasakit pa pala ang mga iniyak ko nitong nakaraang buwan.

The Governor's Obsession ( SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon