Chapter 24

2.7K 75 29
                                    

Nang maramdaman kong bumigat na ang paghinga ni Achlys, dahan-dahan kong hininugot ang phone ko na nasa ilalim ng unan ko. Tipid na tipid ang galaw ko hangga't maaari dahil nakayakap sa akin si Achlys, baka magising siya at mabubuko ang plano ko. Labag man sa loob ko na nakayakap siya ay hinayaan ko na, last na lang din naman.

Alas tres na nang madaling araw. Mabuti na lang at hindi ako nakatulog kakahintay kung kailan siya matutulog.

Ilang oras ko siyang hinintay, nakakantok dahil wala siyang ginagawa, hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko ang titig niya mula sa likod ko. Muntik na nga akong makatulog, mabuti na lang at nauna siya.

Inabot ako ng ilang minuto bago nakaalis ng tahimik sa kama. Nilingon kong muli si Achlys para masigurado na tulog siya bago dumiretso sa closet para kunin ang damit na inempake ko kagabi.

5:30 A.M. ang flight ko, may ilang oras pa ako para mag ayos.

Tahimik akong pumasok sa banyo para magpalit ng damit, doon na lang ako maliligo dahil baka magising si Achlys. Nagsuot ako ng black na hoodie

Dahan-dahan kong hinila ang dalawang naglalakihang maleta ko palabas. Bitbit ko rin ang boots ko dahil hindi ko siya pwedeng suotin dito. .

Nilingon ko si Achlys na mahimbing na natutulog, yakap-yakap ang unan ko na ipinalit ko sa pwesto ko. Kahit salubong ang kilay niya, makikita mo na komportable siya.

Deja vu.

Sa ikalawang pagkakataon, aalis na naman ako ng walang ibang nakakaalam. Tatakas na naman ako sa taong malapit sa'kin. Hindi lang basta malapit, alam ko sa sarili kong may espesyal siyang pwesto sa puso ko.
Mahal ko siya. Pero sa tingin ko hindi sapat ang pagmamahal ko sa kaniya para manatili ako sa tabi niya.

Binitawan ko lahat ng hawak ko saka lumapit sa pwesto niya. Kinuha ko ang box na nasa bulsa ko saka nilagay iyon sa bedside table.

Noong nakaraang buwan ko pa binili 'to. Nalaman ko sa mga katulong na malapit na birthday niya kaya naisipan ko siyang regaluhan. Isang necktie lang iyon pero hindi siya basta-basta necktie. Customized iyon. May nakaukit na pangalan sa purong Maroon na necktie na iyon.

Achlisha

Sa katapusan na ng May ang kaarawan niya. Ilang linggo na lang ang bibilangin. Gusto ko mang manatili pero hindi na pwede. Masyado nang mahirap, masyado nang masakit. Lalo na ngayon. Hindi na talaga kami pwede.

Sira na ang pamilya ko. Ayaw kong maranasan ng iba iyon lalo na't ako ang dahilan.

Dinampian ko ng magaan na halik ang ulo niya bago tuluyang umalis sa bahay na parang naging bahay ko na rin ng isang buwan, sa bahay kung saan naramdaman ko ang tunay na pahinga at tahanan.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na aalis ako ng bansa ng walang nakakaalam. Kahit sina kuya Xavier at Xalvien ay walang alam. Hindi ko na rin sila nakakausap. Ang huling balita ko sa kanila ay bumalik na sila ng Japan.

Miss na miss ko na sila. Gusto kong magkwento tungkol sa nararamdaman ko, pero kanino? Tuluyan na akong nawalan ng balita kay daddy dahil alam kong pinipigilan ni Achlys. May tampo ako kay daddy pero mahal ko pa rin naman siya. Gusto ko man siyang puntahan bago ako umalis pero wala na akong oras.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa eroplano, mabigat ang loob na nakaupo sa seat ko habang pinapanood ang mga naggagandahang ilaw sa baba. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano, napapagaan ng mga ilaw na 'to ang loob ko.

Alas nuebe na nang gabi nang mag-land ang eroplano. I enjoyed the flight because of the view. The clouds, the lights, the sunset, the sunrise. Its made me calm.

The Governor's Obsession ( SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon