Prologue

6 2 0
                                    

"Yung poging head ng surgery alam niyo palaging nakabusangot. Pero kapag tinatanong daw kung kasal siya ngumingiti ng matamis tas sasagot ng oo."

nakikinig lamang ako sa pinag uusapan ng mga kasama kung mga nurse na naka assign sa surgical ward at palaging nakakascrub in sa mga surgery. I'm a nurse in a private hospital owned by my uncle. WIth no any personal na relation yan ang hiniling ko dahil ayaw ko sa special treatment at buong puso namang pinaunlakan ni uncle.

Napahinto ako sa pagsubo ng siniko ako ni Michaela,
"Sa tingin mo kzeah, bakit nakabusangot si Doc pero nakangiti kung tinatanong tungkol sa status niya?" lumingon ako sa kanila na nakatingin na sa akin at naghihintay ng sagot.  Bumuntong hininga muna ako dahil sa totoo lng wala akong pake pero ayaw kung maging kontrabida.

"Toxic lng siguro kaya ganun tsaka sinabi niyo lng naman diba nakabusangot hindi suplado? Okay na yun kaysa sa naninigaw." kibit balikat kung sagot sa kanila at ipinagpatuloy ang pag-kain dahil malapit nang matapos ang lunch break namin. Mapapagalitan na naman ako pag na late, toxic pa din naman kami palagi lalo na walang araw na walang nanay na manganganak. Maswerte nalang kung hindi magkakasabay.

"Oh speaking of naninigaw ayan na si Doc Montano, palaging pasigaw kung umutos akala mo naman mamatay na yung pasyente nag inject lng naman ng anti tetanu. Minsan sarap injectionan ng pampatulog, kainis.." napatikhim nalang kami dahil lumingon siya sa amin at iniisa isang tumingin sa amin lalo na kay Michaela na sobra ang inis sa  kanya.

"Tanga marunong atang mag lip reading yang doctor mo, tama na yang  pagbabato ng masama kasi bhe aminin, ulam yang doctor mo." umirap siya sa amin dahil tinawanan namin siya at kinukuty dahil unang sampa palang ng doctor ito eh habol na habol siya pero nang ma experience niya ang bagsik aba eh marami nang naibato. "Tss ulam asan?" at tumingin sadoctor na nakatingin pa din samin.

"Teka sino naman ba yang poging doctor? yan ba yun bago?" automatic na naging giraffe  sila ng pumasok ang sinasabi nilang doctor sa loob ng cafeteria,  pag gwapo talaga automatic na pag aagawan kahit pasyente pa.

"Pogi nga gago, magpapa reassign nalang ako sa surgery ayaw ko na sa deprtment namin palaging betlog nakikita ko." natawa ulit kami pero naagaw ang atensyon namin ng nagbubulong bulungan na ang mga katabi naming mesa.

Ang atensyon ay nasa kakapasok lng na doctor.

"Yan nga, siya si Doctor..."

"Doctor Vince Jay Almires" pagbigkas ni Doc Montano sa tabi na pala namin. Wala akong pake kung sino mang doctor yan dahil sa surgery siya sa OB naman ako. Pero,

"po?" naisawika ko at agad na lumingon, halos panawan ako ng hininga ng makilala ang bagong doctor na pinag uusapan nila.

"Ka apelyido mo pala nurse kzeah, kapamilya mo?" tumingin silang lahat saakin dahil narealize nila pareho kami ng apelyido. Iiling na sana ako pero may nagsbai ng salitng ilang taon ko ng kinalimutan na dalhin sa pagpapakilala sa akin.

"I'm his husband" my mouth gape a little but I choose to stand and walk out of the room.

The Hardest SorryWhere stories live. Discover now