Chapter 01

8 0 0
                                    

"Valentines Day na agad bukas jusko!" stress na stress na sambit ni Gia.

Naglalakad kami ngayon palabas ng eskwelahan. Katatapos lang ng klase, at papunta na kami sa coffee shop para syempre, magtrabaho.

"Bakit bebs may date ba kayo ng chupapi mo?" tanong naman ni Abela, bakla naming kaibigan.

Agad namang napalingon sa amin si Gia, nauuna kase siyang maglakad at nasa likod kami.

"Hoy! Bunganga mo bakla! Baka may makarinig akalain totoo sinasabi mo!" inilapat pa niya ang hintuturo sa labi, pinahihiwatig na manahimik kami. Lumingon pa siya sa paligid upang siguruhin kung may nakarinig.

"Sus, landi mo." inirapan pa siya ni Abela. Lumingon naman ito sa akin at siniko ako, kaagad akong napalingon pabalik sa kanya.

"Oh, bat?" mataray na sagot ko. Baka pati ako pagdiskitahan nitong si baks e, lakas lakas pa ng bunganga!

"Anong plano nyo ni Jano?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Kahit pa kanina ko pa rin iyon iniisip ay natutulala pa rin ako. Ano nga bang plano?

"Wala pa," huminga ako ng malalim.
"di pa namin napapag-usapan." sagot ko habang diretso pa rin ang tingin sa daan.

Narinig ko ang buntong hininga nila, maging si Gia ay nakita kong huminto sa paglalakad para marinig ang sagot ko.

E wala naman talaga kaming plano. Wala pa... At hindi ko sigurado kung magkakaroon pa...

"Pero sis malay mo naman," bawi ni Gia, sinabit pa niya ang braso sa akin at bahagya akong hinila sa paglalakad. Maging si baks ay nakasabit na rin ang braso sa akin.

Parang mga tanga.

"Baka busy ang bebe mo pag aayos ng mga balloon at gifts sa likod ng kotse tas tatawagin ka niya tas sasabihin may accident para puntahan mo siya tas isususrprise ka nya tas diretso kayo ng hotel—" tuloy tuloy na daldal ni Gia

"Una wala s'yang kotse, kaya tigilan mo 'ko."

Hay nako, sa lahat naman ng surprise, yun ang never ko ieexpect.

"Or baka naman beb, bigyan ka ng cake tas ivideo ka nya habang kinakain mo tapos sa pagnguya mo mapapansin mo na may bakal sa loob tas yun pala, singsing! Baklaaaa!" maharot na sigaw pa ni Abela. Nag apir pa sila ni Gia dahil sa mga sarili nilang imagination.

Jusko, sila lang ang kinikilig sa sarili nilang kalokohan. Hay nako

"At pangalawa, alam niyang di ako kumakain ng cake. Kaya pwede ba? Enough na mga beb." kinalas ko ang kamay nila at nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit hapon na, grabe pa rin ang banas!

Tuloy tuloy akong naglakad. Malalate na rin kami sa trabaho at baka wala pa kaming masakayan na jeep dahil uwian ngayon. Kinapa ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko at kinuha ito para tignan ang oras.

Bumungad sa akin ang picture namin na siyang wallpaper ko.

Valentines na bukas, mahal. Aware ka kaya don?

5:47 pm — February 13, 2015 — Friday

Huminga na lang ulit ako ng malalim at nilingon ang dalawa sa likuran. May pinag uusapan ang dalawa kung kaya't hindi napansin ng mga ito na nakatingin at nakaabang na ako.

Sinabing mamaya na magchismisan at late na kami! 6pm ang work namin at kung matatraffic pa baka malate pa kami, jusko!

"Dalian niyo, iiwan ko kayo!"

Tamed Scar (Tamed Series 01)Where stories live. Discover now