Chapter 02

4 0 0
                                    

"Jano, tingin mo ba tatagal tayo?" di ko mapigilang itanong sa kanya ang bagay na iyon.

Nakatalikod siya sa akin kaya't hindi ko makita ang reaksyon nya ngunit napansin kong natigilan siya. Kasalukuyan kaming patuloy na naglalakad, nauuna sya at hawak ang kamay ko para alalayan. Hiking.

"Piilitin natin, mahal."

Nakarating na kami rito sa tuktok ng bundok. Hindi ko maiwasang matulala at mamangha sa nakikita. Ang mga ulap na parang abot kamay ko na lang. Ang syudad sa baba na maliit mula sa paningin ko mula rito. Ang maaliwalas na paligid at ang mahal kong nag aayos na ngayon ng tent namin. Hays, what a view.

"Uuwi rin agad tayo pagsikat ng araw, mahal." biglang sambit niya habang magkatabi kaming nakaupo sa malaking kahoy na nakita namin kanina at ngayon ay nakamasid sa apoy na sinindihan niya.

Marahil ay napansin niya na malalim ang iniisip ko. Sobrang lalim. Hating gabi kase namin napagdesisyunan na ituloy ang trip na 'to para makatakas ako at hindi mapansin nina Mama at Papa. Babalik rin agad kami bago pa ako hanapin para hindi mapagalitan.

Takas na naman. Labag na naman sa utos ng mga magulang ko. Mali na naman.

"Jano..." tawag ko.

"Pipilitin nating magtagal, Lex." huminga sya ng malalim at hinalikan ang noo ko, siguro ay nagsasawa na sa maya't mayang pagtatanong ko.

Hindi niya naman ako masisisi kung palagi akong magtanong. First Boyfriend ko siya at maraming sabi sabi tungkol sa kanya na pilit ko na lang hindi pinaparinggan.

Pero bakit pipilitin? Unang pag ibig ko, magiging pilit pa? Hindi ba dapat ang isagot niya ay gagawin namin ang lahat para tumagal? Hindi yung pipilitin namin. Paano kung hindi na kami masaya? Pipilitin pa rin ba para tumagal? Paano kung masakit na? Pipilitin pa rin ba at iindahin para magtagal?

Ilang araw na ang nakalipas ng pagbuhatan niya ako ng kamay...

Hindi ko sinabi iyon maging kina Gia at Abela dahil problema naman namin itong dalawa, hindi na dapat sabihin sa iba.

Hindi ko rin alam kung paano niya nagawa iyon. Maging ako ay nagtataka. Unang beses yon. At dahil lang sa mababaw na dahilan.

I posted a picture of us since it is our 6th Monthsarry. Inakala ko pa na may surprise siya dahil bigla niya ako sinugod sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

Ngunit ng magkita kami ay ibang iba siya.

Hindi ganoon kakalamado ang pagtingin niya sa akin. Nag aalab ito at parang hindi ako makilala. Hindi ko alam kung bakit.

Nang sinubukan kong depensahan siya, napuno ata siya at nasampal niya ako. Sa sobrang gulat niya rin sa pangyayari ay bigla na lang siyang tumakbo papalayo.

Gusto ko lang naman ipagmalaki at ipakilala siya kahit man lang sa Facebook Friends ko kase hindi ko pa siya magawang ipakilala sa mga magulang ko.

Nakahide ang post ko sa mga kamag-anak ko.

Para lang huwag kaming mabuking. Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagalit niya doon. Alam ko namang hindi nya thing ang pagfeflex sa social media kaya ako na ang gumawa.

Monthsarry naman namin, hindi ba pwede?

'Pipilitin natin magtagal, mahal.'

Sa ilang beses kong tinanong iyon sa kaniya ay iyon na mismo ang pinanghahawakan ko. Pinatawad ko na siya noon. Siguro ayaw niya lang talaga na naka public ang relationship or naka flex sa social media, no?

Tamed Scar (Tamed Series 01)Where stories live. Discover now