Chapter 03

2 0 0
                                    

"Lex, hindi ba masyado atang mabilis ang pagdedesisyon mo?" tanong ni Gia habang tinutulungan niya ako magtiklop ng damit at ilagay sa bag ko.

"Napaaga lang naman ako ng isang araw, ganoon rin naman yon." sagot ko.

"Bakit hindi na lang bukas, Lex? Para kasama mo kami mag celebrate ng birthday mo!" suhestyon nya. Kanina pa sya at paulit ulit ang tanong, nakakarindi na!

"Ilang ulit ko ba sasabihin na gusto ko nga salubungin ang birthday ko na may sarili na akong buhay." gigil na sagot ko.

Nang nai-zipper ko na ang bag ay tumayo na ako at tumingin sa kanya. Nakaupo siya sa maliit na kamang tinutulugan ko rito sa staff room habang nasa harap niya ako. Bahagya kong tinapik ang balikat niya.

"Bakit ba kase kailangan mo pa lumayo. Alam kong broken hearted ka bakla pero jusmiyo naman kaya ka naman namin tulungan mag move on nang hindi umaalis."

"Di nga ako lalayo, lilipat lang ng branch, kulit mo," sagot ko

Alam ko namang malulungkot siya kahit papaano. Siguro mukha lang siyang walang paki pero alam kong nag aalala sya sa desisyon ko. Matagal ko na itong sinabi sa kanila, kaso nga lang ang usapan ay makatapos ang birthday ko at hindi bago.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla nagbago ang isip ko. Naging padalos dalos ako, oo. Pero buo na ang desisyon ko. Mula sa mga narinig ko kagabi at nasaksihan, siguro ay tama na yon para tigilan ko na ang pagtitiis.

"San si Abela? Sinabi mo bang ngayon ang alis ko? Bat di mo sinama?" sunod sunod na tanong ko. Talagang nagtataka na ako roon kay bakla. Kahapon ay may kausap siya sa telepono at di na nagpaalam sa akin bago umalis ng shop.

Wala rin syang chat na, "Magandang umaga sa mga pinagpalang may kipay. Magsibangon na para mapakinabangan ang biyaya n'yo." sa gc. Nakasanayan na iyon na sya lagi ang nauuna magchat. Minsan ay nagiging alarm pa namin iyon.

"Ah, nagkaproblema sa bahay nila. Ano kasi," hindi niya maituloy ang sinasabi at para bang nag aalangan pa kung itutuloy pa. Kinagat niya ang kaniyang labi bago nag iwas ng tingin. "Isinugod ata kase sa ospital yung ate nya."

"Hala, bakit raw?"

"Ah, eh, diba suicidal yon? Baka ganoon ulit ang nangyari gaya ng dati." Napatango naman ako sa sagot niya. Naalala ko nga na dati ay buong araw tamlayin si bakla sa klase. Nang tinanong namin siya ay sinabi niyang sinubukan ng ate niya na bawiin ang sariling buhay.

"Huwag na nga natin pag usapan. Tara na, malalate ka pa sa terminal, jusko. Ako na ang bahala na magsabi kay baks." aya niya.

"Hello po Ate Lex!" magiliw na bati sa akin nina Carmen at Caren, yung kambal na nagtatrabaho rin dito. Matagal ko na silang kilala dahil dati ko silang kasama roon sa inalisan kong isang branch nitong coffee shop. Nalipat lang sila rito dahil nag opening ito.

Kararating ko lang dito sa bagong branch noong coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Matagal na akong inaalok noong may ari kung gusto ko raw ba lumipat rito para di ko na marinig ang mga nagaganap na sigawan roon gabi gabi. Sinabi niya rin na pwede ako rito sa bago nilang open na branch, pwede rin ako dito magstay sa staff room. Tutal hindi naman daw pumupunta rito iyong mag asawa na palagi kong naririnig sa lumang coffee shop na pinagtrabahuhan ko.

"Ate anong balak mo bukas sa birthday mo?" tanong ni Carmen. nakasunod siya sa akin upang samahan ako rito sa staff room. Si Caren naman ay naiwan roon dahil may mga customers nang dumarating. May dalawa pa ring workers rito na syang nagseserve at gumagawa ng drinks. Ang kambal ay nag sasalitan lang sa cashier o di kaya ay sa serving din.

Napalingon ako sa kaniya sa gulat. "Bakit mo alam?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko naman maalala na sinabi ko iyon sa kaniya, ah!

"Luh, teh, di mo tanda? Makakalimutin yarn? Ediba birthday mo noong ma-hire kami ni Caren, nalaman pa nga namin kase nakita ka namin sa staff room na nagwiwish sa cupcake na binili mo, e!" pagpapaalala niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tamed Scar (Tamed Series 01)Where stories live. Discover now