22

9 3 0
                                    

"

4/19/1950

Kanina ay hindi ko na natiis kaya naisipan ko nang silipin ang bahay namin

Kahit na umalis na ako doon saakin parin naka pangalan ang lupa dahil saakin ipinamana ni lola ang mansion namin

Habang papunta doon ay may nabangga akong lalaki

Humingi agad ako nang paumanhin at aalis na sana nang pinigilan nya ako

Sabi nya sya raw ang may ari ng panyo sa simbahan nung nakaraang linggo

Inisip ko naman kung anong panyo iyon nang maalala ko yung panyo na binigay saakin nung lalaki

Pinaliwanag ko sakanya na wala saakin yung panyo

Inaya nya naman akong makipag kita ulit

Sinabi ko sakanya na ayaw ko
At ginamit na dahilan nya naman ang panyo

Nag bigay sya ng address ng isang kilalang kainan kung saan maraming tao upang hindi ako magduda kung may balak ba sya saakin

Wala na akong nagawa kaya pumayag nalang ako

Umuwi ako nang hindi manlang napuntahan o nasilip ang bahay kaya medyo nanghihinayang ako ngunit natutuwa dahil mukhang may bago akong nakilalang kaibigan

Dahil mukhang mabait naman yung may ari ng panyo

"

Patawad, SalamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon