Prologue

67 5 1
                                    


Umuulan nanaman

Andito kami sa bahay nila tita, huling araw ng burol ni lola ngayon, at dahil kaka matay lang ni lola naisipan nilang ganapin ito sa bahay ni lola

Dahil hindi ko naman masyadong close mga pinsan ko naisipan kong mag ikot ikot muna sa bahay

Pumasok ako sa kwarto sa pinaka dulo ng hallway sa second floor

Malaki yung kwarto, at malamig yung simoy ng hangin

Siguro dahil lumang style yung bahay kaya gawa ito sa kahoy

May napansin naman akong maliit na box sa ilalim ng kama kaya kinuha ko ito

Maganda sya na may floral design at may ribbon pang naka dikit

Binuksan ko ito at may nakitang notebook at madaming mga sulat

Kinuha ko yung notebook at namangha ako sa ganda nito dahil leather yung cover nya na may engraved na pangalan

"Maria"
Pag kaka basa ko sa naka sulat

Binuksan ko ito at sinilip kung anong naka sulat sa loob

"Talaarawan ni Maria Arellano Santos"
Pag basa ko sa naka sulat sa unang pahina

Maria Arellano Santos? Si lola yun diba?

Tinignan ko naman yung mga sulat na nasa box at lahat sila mula sa isang nag ngangalang
"Juanito Garcia"

Sino yun? Alam ko pangalan ni Lolo Francisco diba?

Inisa isa ko yung mga sulat base sa araw kung kailan sila pinadala

Hindi ko na natiis kaya binuksan ko yung Diary ni lola at sinimulan itong basahin

Mas ok na to kaysa makipag usap sa mga tao sa baba

Nung una mukhang normal lang naman sya na diary kaya bibitawan ko na sana pero dun ko na nabasa yung simula ng love life ni lola

Patawad, SalamatWo Geschichten leben. Entdecke jetzt