We are all laughing while having our lunch here in the restaurant. "Tangina niyo, kanina pa kayo ah." Seven glared us pero tawa pa rin nang tawa sila Zale at Lewin.
"Pa'no sa'ting lahat, ikaw lang naman ang bobo." Kinantsawan pa siya ni Ry. Sino ba naman kasing hindi matatawa eh naka-dalawang tries kami sa banana boat kanina tapos nahulog siya both tries. Siya 'yung pinaka-maingay kanina tapos siya lang din ang nahulog.
Sine-serve na ngayon itong mga desserts na inorder namin. We are already on the last course of our meal. We did some water activities kanina. It was my first time to try wakeboarding because Zale pushed me to. I'm not fond of water activities kaya first time ko lang na-try kanina.
It's around 11 am, and we had early lunch para maaga kami magstart mag island hopping. Tatlong island ang pupuntahan namin, so kailangan namin makabalik nang mas maaga dahil may pasok pa kami bukas.
Pagkabalik sa kwarto, I wore my red one piece. I just brought my mini bag with my film camera, wallet and phone. I'm already wearing my shades and my black see through robe.
"Ang sexy mo naman!" Hinampas ni Mace 'yung pwet ko habang nag-aayos siya ng mga gamit niya. I just laughed at her. Hindi kami kinatok ng boys ngayon since napagkasunduan na sa boat ride nalang kami magkita-kita.
When we're all ready, we all walked papunta sa elevator para makababa sa lobby. Ngayon, naglalakad kami rito sa beach walk side papunta sa boat ride. Buti nalang hindi masakit sa balat 'yung araw ngayon.Pagkarating namin ay nandoon na agad ang mga boys at mukhang hinihintay nalang kami.
Zale held my waist habang pasakay ako sa boat. Siya rin ang katabi ko. Ilang beses na akong nakapunta rito sa Okulada but the view still looks mesmerizing.
"Isa pa." Bulong ni Zale sa'kin because we're taking selfies. Actually, he posted a story of my picture so I'm assuming that everyone in the school already think na we're together.
Inabot naman ni Keanu 'yung phone niya sa isa sa mga bantay namin to take a picture of us. "Kuya, papicture naman po para hindi kami mainggit sa nagsosolo do'n sa likod." Tapos tinuro niya kami kay manong.
"Kapag inggit, pikit." Pang-aasar pa ni Zale sakan'ya.
"One, two, three, smile." The kuya kept on instructing us as he took multiple of group photos.
I was looking at the water because I can see fishes from my view when our boat stopped in the first island. "Welcome to Florence Island." the Helmsman said.
Lahat kami bumaba na sa boat. Florence Island is the simplest yet cleanest island here in Virgin Okulada. Walang kahit ano rito kundi ang mga puno lang. Even cottages, wala. Pero ang tubig dito ang pinaka-clear sa lahat.
We all swim in the waters of Florence pero lahat kami nasa mababaw na part lang. Mace is with Ry para hindi siya ganoong matakot. We all took pictures and I even storied Zale's hot body. 30 minutes na yata kaming nagtatampisaw so we all decided to already move on to the next beach. It's already 1:30 and we still have two islands to visit.