From: Zale 6:46 am.
Don't think about it as of now. The investigator will take care of it. Goodluck on your first event. I'm already proud.
I read the text from Zale while I'm busy finalizing the balikbayan boxes na dadalhin namin mamaya sa Brigada. Leigh told the private investigator about Senator Merielle and Atty. Cabello. We can't go to Camden to know what she's up to kaya sabi nila Zale ay hayaan na muna namin si Kuya Ralph. Hindi lang talaga ako mapakali hangga't hindi ko napapatunayan na inosente ang mga magulang ko.
"Chair, I think prepared naman na ang lahat." Napatingin ako kay Shane habang inaayos niya lahat ng mga kailangan naming dalhin sa Brigada.
Si Miss Villegas, our College Dean, and Sir Agustino, BASA Org's adviser lang kasama naming mga admins from De Martell. After we finalized everything, sumakay na kami lahat sa university van. Traffic ngayon dahil rush hour tuwing may pasok.
We arrived there at exactly 8 am. We helped the university's personnels sa pag-aayos ng mga gamit. I also practice my speech to make sure na hindi ako mabubulol mamaya. Unti unti na rin naman nagdatingan ang mga estudyante kaya umupo na rin kami sa designated seats namin.
The program already started at tahimik lang kaming nakikinig. Ang mga balikbayan boxes na may lamang mga libro ay nando'n na rin sa harap ng stage. In short, wala na kaming pproblemahin at kailangan ko nalang maghintay hanggang sa tawagin ang pangalan ko para sa speech.
"Nakakaantok." Bulong ni Ayesha sa gilid ko habang nakapikit. "Gaga, dumilat ka nakakahiya." She just chuckled.
I immediately stood up when I heard my name being called. Lumapit ako sa harap and calmly delivered my speech. Once I finished, bumalik na ako ulit sa seat ko and updated Zale.
To: Zale
I'm done with my speech. I'm sleepy rn.
I'm pretty sure he still won't reply because he has a class. It's already lunch time nang matapos ang program. Hindi kami agad bumalik sa school because we will be having our lunch sa Steak House.
"Just order anything you want ha. Sagot ito ng school." Sir Agustino reminded us nang makaupo na kami sa table namin.
"Alam mo ba, akala ko hindi na ulit magkakajowa si Zale." Bulong sa'kin ni Nica sa gilid ko.
"Same thoughts. I don't even know her ex girlfriend pero madalas ko siyang nakikita after class last year." Dagdag naman ni Ayesha na katapat ko ng upuan. Buti ay hindi nakikinig sa'min sila Sir Agustino at Miss Villegas dahil may sarili silang usapan.
"Oo nga. Tapos mabilis kumalat 'yung balita that time since sikat nga si Zale. He's a football varsity tapos nalaman nalang namin na kaya pala nag open ulit ang try out noon kasi umalis si Zale." Ayesha said before drinking her glass of water. Napabuntong hininga nalang ako dahil every time na napapag-usapan si Zale ay palaging nakadikit sakan'ya ang issue na isang taon nang nakalipas.
He's always reminded of his ex. I feel bad for sometimes hurting but I have feelings too. Nandito naman na ako, though, we still don't have an official label yet but people know that we're together... pero si Eya pa rin ang naaalala nila.