CHAPTER 6

403 29 0
                                    

Mag-isa nalang akong pumapasok sa eskwelahan at mag-isa nalang din akong umuuwi. Wala na akong kasabay dahil si Ara lang naman ang kasabay ko na since last year pa gumraduate si Paulo. Ahead siya sa amin ng isang taon, he just graduated last year tapos ako pa-graduate palang ngayon. Hindi ako sumasabay sa ibang kakilala ko dahil iba-iba sila ng pinupuntahan. While me, I'm just heading straight at home.

I'm seeing Ara sometimes here at the campus. Hindi iyon maiiwasan dahil nasa iisang lugar lang kami. Deadma nalang kapag nagkakasalubong kami. Hindi ko na rin siya sinisi sa nangyari noon dahil may kasalanan din naman ako. I'm not blaming anyone even her for that.

And besides, Paulo once said that Ara messaged him for a few times. They have contacts with each other because of me. Paulo naman kasi, parang praning noon. Gusto niyang may contact or connection din siya sa taong malapit sa akin. I told him that he should respond to Ara's messages. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung sinabi ni Ara na seryoso siyang gusto niya si Pau. Maybe she's starting to be close with Pau, hahayaan ko nalang. As long as she's true to her feelings for my bestfriend, okay lang. Pero hindi ko sinasabi kay Pau na may gusto sakaniya si Ara, bahala na silang dalawa sa kung anong napag-uusapan nila.

I just went to the faculty room dahil may hinabol akong ipinasa sa isang prof ko, hindi iyon kay Mommy kaya wala akong dapat na ipag-alala. Pauwi na rin ako.

"Bianca!"

Pagkalabas na pagkalabas ko ng campus ay may narinig kaagad akong tumawag sa pangalan ko.

I stopped for a while then looked around to find the guy who shouted my name. But surprisingly, I saw Jefferson hurriedly walking towards me. I smiled a little but then I realized he's with his sister, yung kaibigan ni Ara kaya nawala yung ngiti ko.

"Buti naman naabutan kita. I went here last time but unfortunately, hindi kita nakita." sabi ni Jeff nang tuluyan na niya akong nalapitan.

Medyo nagulat pa ako nang sinabi niyang pumunta siya rito pero hindi ko nalang pinahalata.

"G-Ganun ba?" ani ko. "Sorry ha? Umuuwi rin kasi kaagad ako." sabi ko, paghingi ko ng paumanhin.

"No, it's okay." he said as he smiled. "Eto nga pala yung kapatid kong medyo pasaway." aniya tsaka hinila yung kapatid niya. "She's Jillian. Jill, si Bianca." pagpapakilala niya sa aming dalawa ng kapatid niya.

I forced a smile to his sister, Jillian. At ganon din siya, ngumiti siya nahihiya siyang ngumiti sakin.

"Ah, Bianca, I really went here para personally sana ayain kang lumabas kahit sandali lang. It's a friendly date, don't worry. Tsaka, kasama pa natin 'tong kapatid ko. We all could get along. Masaya kasama 'tong si Jill." Jeff said.

I was hesitant, to be honest. Yes, we often chat each other at ilang linggo na ring ganon pero ngayon nalang ulit kami nagkita at aayain niya pa akong lumabas. At mas nakakaalinlangan pa na kasama ang kapatid niya. I mean, Jillian is friends with Ara, baka ayaw ni Jillian sa akin. Ayoko namang ipilit.

"Uh..." I think again for a moment. Halos maglipat-lipat ang tingin ko sakaniya at sa kapatid niya. "I'm sorry, Jeff. I need to go home. Hahanapin ako sa bahay." I lied as an excuse. Wala namang maghahanap sakin doon eh.

Jeff frowned. Nakapameywang siyang nakatingin sa akin.

I felt sorry. Nakakahiya naman kasi eh. Ba't ngayon pa, ba't kasama pa niya yung kapatid niya.

I waved my goodbye to them as I walked away. Nakahanap din kaagad ako ng masasakyan ko kaya agad na akong umuwi diretso sa bahay.

Laglag ang balikat ko nang umuwi ako. I don't know why.

Tahimik akong nagrereview ng notes ko when my phone suddenly beeped. Kinuha ko iyon at binuksan habang ang mata ko ay nasa notes ko pa rin. When I finished reading the paragraph ay saka ko lang tinignan yung phone ko. I raised a brow when Jeff texted me. Naalala kong binigay ko na rin pala ang number ko sakaniya.

Jeff:
You're home na?

I immediately typed a reply.

Me:
Yes, kanina pa. I'm just currently reading my notes. Wala akong magawa eh.

Jeff:
That's good. Ngayon lang kita na-message kasi tumuloy na kami ni Jill kanina lumabas.

Me:
Sorry talaga about doon, ah? Next time nalang.

I apologized again about earlier.

The truth was sasama naman talaga ako sakaniya pero dahil nga kasama yung si Jillian na kaibigan ni Ara, nag-alangan at hindi na ako tumuloy.

It would be awkward kung sumama ako. Mapapansin ni Jeff na hindi kami nagpapansinan ng kapatid niya at baka kung ano pa ang isipin niya.

I knew that Jeff is a fast replier so our conversation went on and continued. Nagpaalam lang ako sakaniya nang puntahan ako ni Yaya Melda rito sa kwarto ko.

"Bianca, naroon ang Mommy mo sa ibaba, sa dining. Sabayan mo na siyang kumain ng hapunan." Yaya said.

Tumango ako kay Yaya tsaka ko sinabing susunod nalang ako.

Agad kong isininop ang mga notebook at gamit ko tsaka umayos para lumabas na. Ngayon ko nalang ulit makakasabay si Mommy na kumain sa iisang hapag. Sana naman 'wag na ulit siyang umiwas.

I normally walked towards her nang makababa na ako. Pretending that I didn't knew that she's already here too, eating her meal.

May nakahanda nang pagkain sa lamesa kaya naupo na ako sa upuan. Hindi kami nagkakalayo ni Mommy ngayon. Mukhang kakauwi lang niya dahil suot pa niya ang uniform niya. At napatingin din siya sa akin nang makaupo na ako pero agad din siyang umiwas.

I gulped as I picked up the untensils so I could start to eat.

Tanging tunog lamang ng mga kubyertos namin ang naririnig sa sobrang tahimik naming dalawa. This is so awkward.

Hindi na ako nakatiis at napagdesisyunan kong magsalita na.

I cleared my throat before speaking. "Can I ask you something?" I asked.

Pakiramdam ko napapahiya ako ngayon. Mom doesn't even gave me a glance and she just continued eating na para bang wala siyang narinig, parang wala lang din siyang kasama.

"I just wanna ask who gave birth to me." I said again dahilan para sa wakas ay mapatingin na siya sa akin.

"What else do you want to know? Sinabi ko nang patay na ang Nanay mo. Ano pang sense ng tanong mo?" aniya.

She didn't raise her voice pero ramdam kong nagpipigil lang siyang wag akong pagtaasan ng boses. I can see and feel it and yet I managed to talk again.

"G-Gusto ko lang pong malaman. Kahit yung pangalan lang niya..." pakiusap ko.

I know, sinabi na niyang patay na ang tunay kong Nanay pero masama bang magtanong ako ng kahit isang impormasyon man lang tungkol sakaniya? I'm just asking for her name, that's all.

Wala naman akong gagawin eh. Wala akong magagawa. She's now my mother, pero gusto ko ring malaman kung sinong nagluwal sa akin. Karapatan ko namang malaman iyon, diba?

"Please, Mom..." I begged her.

Pero imbis na maawa si Mommy sa akin at sagutin ang tanong ko ay inis siyang tumayo sa kinauupuan niya.

"I lost my appetite." she said before walking away and leaving me here in the dining.

I sighed heavily.

Kailan ko ba kami magkakausap nang maayos? O kailan ba niya sasagutin man lang yung isang tanong ko na 'yon?

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon