CHAPTER 11

383 26 5
                                    

Dahan-dahan at inaantok kong iminulat ang mga mata ko nang marinig kong mag-ring ang alarm ng phone ko. I looked at the time but my eyes immediately got wide open when I realized that I'm getting late for school.

Ano pang silbi nitong alarm ko kung malelate rin naman ako?

Mabilis at dali-dali akong kumilos. I took a quick bath, I fixed my things and myself. Hindi na muna ako mag-aalmusal dahil late na ako. Nang masiguro kong maayos na ang damit ko at ang gamit ko ay lumabas na kaagad ako ng kwarto habang may suklay pa sa buhok ko. I can comb my hair while I'm on my way to school. Mabilis ang mga hakbang ko habang pababa ako ng hagdan at nakita rin ako ni Yaya Melda kaya tinawag niya ako para mag-almusal but I refused. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at agad na lumabas ng main door pero bigla kong napatigil nang maabutan ko si Mommy na kalmadong nakatayo lang habang may hinahanap na kung ano sa bag niya na sukbit niya lang.

"M-Mom..." I said in surprise. Ngayon ko lang din siya naabutan ng ganitong oras dito sa bahay. "You're late." I said as if we're not the same.

She looked at me when she finally get the thing she was finding inside her bag. Her car key.

"We're both late." she said without looking at me. "Get in. Sumabay ka na." pahabol niya bago siya sumakay sa sasakyan at pumwesto sa driver's seat.

My mouth almost parted open in shock. Isasabay niya ako? Papuntang campus? Oh god, she's getting nice.

"Sige na, 'nak. Late na kayo ng Mommy mo." nagsalita si Yaya Melda sa likod ko kaya napatingin ako sakaniya.

I smiled at her. "Yes, 'Ya. Bye po." sabi ko at nagpaalam na rin sakaniya.

I immediately get in the car dahil baka bigla pang magbago ang isip ni Mommy at umalis nalang bigla dahil ang tagal ko. Gladly, she didn't, she waited for me.

This was Dad's car before. Noon, sabay-sabay kaming umaalis pero noong lumaki na ako at kaya ko naman nang mag-isa pinayagan na ako ni Daddy na mag-commute paminsan-minsan hanggang sa matuto at masanay na ako. And when he died, si Mommy na ang gumamit ng kotse na 'to. At hindi rin ako sumasabay sakaniya dahil hindi ako sanay sakaniya.

Just like now, parehas lang kaming tahimik at hindi nagsasalita habang papunta sa eskwelahan. Naiilang ako to be honest dahil hindi ako sanay.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil late na nga ako pero dumaan pa si Mommy sa Starbucks just to buy coffee for us. I even got hesitant to accept the coffee pero sinabi niyang akin nga iyon kaya kinuha ko nalang iyon at ininom. We were both having our coffee while on the car on the way to the campus.

Wala nang estudyante sa hallway nang dumating ako. Mom and I parted our ways at mamaya ulit kami magkikita para sa class niya sa amin.

Bago ako makarating sa room ay inubos ko na kaagad yung kape tsaka itinapon ang lalagyan sa tamang basurahan.

I breathed in and out repeatedly before taking a few steps towards our room.

"Ms. Ramirez, you're late."

I just bowed down my head a little as soon as I saw our Prof. "G-Goodmorning, Prof, sorry. I just got trafficked. This won't happen again." I apologized.

"Dapat lang na hindi na. Graduating na kayo, ngayon pa ba kayo gaganyan-ganyan." pangangaral niya tsaka lumingon pa sa iba kong blockmates. "Go, you may take your seat." he said so I walked towards my seat on the back portion of the room.

Tsaka lang ako napahinga ng maluwag nang makaupo na ako. I silently blew out an air in relief.

Mabuti nalang at naging maayos din ang araw ko kahit na na-late ako ng pasok. At noong time na si Mommy na ang papasok sa amin ay normal lang din kagaya ng dati. There's no special treatment, obviously.

It's already night when Yaya Melda suddenly went inside my room to call me for dinner. Saktong patapos na rin ako sa pag-aayos ng gamit ko kaya sumunod naman kaagad ako.

I smiled a little as it still overwhelm me right now being with Mom and eating together with her for dinner. Hindi pa naman kami nakakapag-usap ng matagal pero natutuwa at masaya ako sa kaunting improvement na 'to.

"Nagalit ba yung Prof niyo kanina sayo dahil na-late ka?"

Dahan-dahan akong umiling bilang sagot kay Mommy nang magtanong siya. "Hindi naman po." sabi ko pa.

Tumango nalang din siya no'n at hindi na nagsalita pa. We just ate dinner silently at tanging yung mga kubyertos lang na gamit namin ang naglilikha ng maliit na ingay.

I wanted to express my feelings. Gusto ko ng kausap kaya naman nakahanap ako ng oras para tawagan si Paulo. He's the only one I know I could tell about this. Kaya naman nung sumunod na araw ay pinuntahan ko siya sakanila.

"Na-late ako sa class ko kahapon." sabi ko habang nakangisi.

"Late ka nga nga, ba't ang saya mo pa?" aniya habang nakangiwing nakatingin sa akin.

Malakas ko siyang hinampas sa braso tsaka inirapan. "Wait lang, patapusin mo 'ko!" sabi ko.

Umayos ako ng upo sa kama niya tsaka huminga nang malalim. I composed myself before talking again.

"Sabay kami ni Mommy na pumasok. We were both late. Naabutan pa namin ang isa't isa sa bahay tapos isinabay nalang niya ako sakaniya papuntang school. And then, Pau, she even treated me a coffee! Tapos nung dinner, kinausap niya pa 'ko, she asked me if I got scolded after being late." mahabang sambit ko. "Pau, I think she's starting to get nice to me." I said joyfully.

"And how did that happened?" he asked immediately.

"It started when she helped me treat my—"

Napatigil ako sa pananalita nang marealize ko yung masasabi ko sana sakaniya. I almost slipped in my words.

"She helped you treat your?"

"U-Uh..." I stuttered as I avoided my gaze at him. "N-Nung..." ani ko habang nag-iisip ng idadahilan. "N-Nung nauntog ako. Oo, nung nauntog ako." lame excuse.

I looked at him to see his reaction. Seryoso lang siya at hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko.

"Nauntog? Really?" he snorted.

"Yes!" I insisted. "You know I get clumsy sometimes tapos ayon nauntog ako. Tapos nakita niya ako, tinulungan niya ako." sabi ko pa.

"Nasaan ang bukol mo? Wala naman."

Iniiwas ko agad ang ulo ko nang akmang hahawakan niya ako roon.

"Magaling na! Wala ng bukol!" sabi ko. "Nung isang araw pa 'yon, malamang wala na ngayon." sabi ko.

I can feel my chest pumping hard because of nervousness. Nagsinugaling na nga ako, ang pangit pa ng sinabi kong excuse. I couldn't just tell him that I got slapped. Lalo na't hindi ko pwedeng sabihin na si Ara ang sumampal sakin.

"Tsk. Baka nagjojoke ka lang." sabi niya kalaunan. "Si Tita, tutulungan kang gamutin sarili mo? Ittreat kang coffee? Isasabay ka niya sakaniya papuntang campus? Unbelievable."

I pouted. "Grabe ka kay Mommy." I said in a low voice.

"Sorry." he apologized immediately. "Sabihin mo nang nagsisimula na nga siyang maging mabait sa'yo. Pero parang ang bilis naman. Why was it so sudden? Nakakapagtaka lang." he said.

Napatahimik ako't di agad nakapagsalita. Tama nga naman siya, nakakapagtaka... Pero atleast diba, umookay na kami. And maybe sooner or later, I could finally talk to her about me. At baka matanong ko na rin siya at sagutin na niya ako kung sino at anong pangalan ng nagluwal sa akin. Iyon lang, okay na para sakin iyon.

I let out a sigh before talking again.

"Let's just let her, Pau. Mabuti ngang nagbabago na siya ngayon paunti-unti. Atleast there's a progress now on our relationship with each other. Nakakapag-usap na kami ng hindi nagtatalo. Mali naman kasi yung ganon eh, diba." sambit ko.

Paulo just sighed and lightly nods his head.

She's my mother after all. Kahit na anong mangyari, siya ang Nanay ko at dapat lang na maging maayos kami. Hindi man siya yung taong nagluwal sa akin, siya naman ang isa sa mga magulang ko na kumupkop at nag-aruga sa akin. Kahit na hindi siya kagaya ng pagtrato sa akin ni Daddy, okay lang sa akin 'yon. Nagpapasalamat pa rin ako sakaniya.

Forever With YouWhere stories live. Discover now