CHAPTER 21

400 27 0
                                    

I kinda went very busy the past three weeks dahil tinutulungan ko rin si Mommy sa ibang bagay. I volunteered to help her in some things dahil masyado na siyang maraming ginagawa lalo na't kakaumpisa palang ulit ng pasukan.

I already told her about my work in a company just two weeks ago nang nag-umpisa na ako sa trabaho. Medyo nagulat pa nga siya dahil ang akala niya ay magpapahinga nalang muna ako, hindi lang siya nagtanong na noon dahil baka mapressure raw ako. But aside of that, she's happy for me.

I'll be at the office by daylight at pagkagaling ko sa trabaho ay minsan doon ko na tinutulungan si Mommy. I know her, she sometimes bring her works at home dahil nakikita ko siya noon pa. She bring home the papers of some of her students na kailangan icheck o kung ano pa man at sa ganon ko siya tinulungan sa ngayon.

Hindi na rin muna ako masyado sa ngayon nakakalabas kasama si Jeff dahil alam naman na niyang may trabaho na ako. Samantalang siya naman ay may iba at sariling plano para sa sarili niya. He once told me that he's planning to go to the states for work. I think he'll be seeking bigger opportunities there since may relatives din daw sila roon. Hindi ko nga lang alam kung tuloy o hindi dahil isang beses niya palang nabanggit sakin iyon at kaunti lang ang naidetalye niya.

Ngayon ay palabas na sana ako sa isang bookstore nang makita ko yung isang kapatid ni Paulo.

"Ate Bianca!" aniya tsaka patakbong lumapit sakin at yumakap.

I hugged Alex back and smiled.

"Alex, kamusta?" pangangamusta ko sakaniya nang parehas na kaming humiwalay sa yakap.

"Okay lang po, ate. Ikaw po, kamusta na? Di ka na pumupunta sa bahay, namimiss ka na namin." sabi niya tsaka lumingkis sa braso ko at sumabay na sa akin na lumabas ng bookstore.

I sighed as I let out a small sad smile. "Sorry ah. Busy lang ako. Miss ko na nga rin kayo eh." sabi ko rin. Totoong miss ko rin sila dahil malapit sila sa akin. "Pauwi ka na ba?" tanong ko dahil anong oras na rin, mukhang galing pa siyang eskwelahan dahil naka-uniform pa siya eh.

"Pauwi na po sana kaya lang nakita kita kaya mamaya nalang po, let's catch up muna." sabi niya tsaka ngumiti ng malawak sa akin.

"Uh..." I uttered as I get hesitant to ask. "Si..." ani ko pa. I looked at Alex and she's just waiting for me to speak. "Si Kuya mo, nasaan?" tanong ko sa wakas.

"Nandoon po sa ShowBT, may pinapractice sila ngayon eh. Di siya masyadong makauwi."

I sighed a little in relief tsaka ko siya inakbayan.

"Tara, doon nalang tayo sa bahay niyo magkwentuhan para masaya." sabi ko sakaniya't ngumiti.

Alex just smiled at me too as she nodded in agreement. Kaya naman imbis na umuwi muna ako ay kasama ko siya na pumunta muna sakanila.

I messaged Mom na malelate ako ng uwi para informed siya.

Alex and I arrived at their house. The family was happy to see me after a month maybe of not going at their house after Paulo and I started not talking with each other.

Tita Grace let me eat dinner at their house kaya di rin naman ako tumanggi, namimiss ko na rin yung luto niya eh. Habang kumakain ay doon nalang kami nagkwentuhan ng todo.

"Nagtatrabaho ka na, Bianca, diba? Nakwento sakin ng Mommy mo." Tita Grace said.

I nodded. "Yes, Tita. Office admin po sa isang company." I said.

"That's good." she said.

Ngumiti ako tsaka kumain ulit nang magsalita naman si Alex. "What if sabihin ko kay Kuya na nandito ka, Ate? Baka umuwi 'yon." sabi niya tsaka mahinang tumawag.

Forever With YouWhere stories live. Discover now