CHAPTER 6

4.4K 214 4
                                    

ARIADNE 's POV

As someone na lumaki sa madumi at madilim na katotohanan ng mundo, wala akong ginawa kundi ang mag ensayo at pag aralan kung paano humawak ng baril at makipagpatentero kay kamatayan, mula bata pinag aaralan at pinag hahandaan ko na rin ang pag papatakbo sa Elite.

At ang ibig sabihin nun ang childhood life ko ay hindi katulad ng sa ibang mga bata, I never believed in magic, I never had the chance to read fantasy book, I never experience talking about fantasy things like fairy tale, magic, supernatural or what ever it is.

Lumaki akong mulat sa marahas na parte ng mundo, that's why I never expected that this day would come?

First, I got reincarnated, second I just saw something na hindi ko inaasahan.

Pero kung iisipin, the fact na nagising ako sa katawan ng ibang tao dapat inasahan ko na 'to eh, isa pa yung mga kakaibang bagay na nakita ko sa bayan— I can't believe na kahit saglit hindi pumasok sa isip ko na maaaring ibang mundo ang kinalalagyan ko ngayon!

Huh! Naalog ata ang utak ko!

"Are you OK?" - nandito na kami ngayon sa kwarto ko, naka upo ako sa paanan ng kama ko habang nasa tabi ko si Kuya at si Tasha naman ay naka tayo sa may gilid ko.

Dahan dahan kong nilingon si Kuya Vyn, walang mangyayari kung magpapanggap akong alam ang mga bagay bagay sa mundong 'to.

"Ano yun?" - I ask, kumunot ang noo nito

"Alin?" - napa buntong hininga ako at pinadausdos ang palad sa muka ko, fudgee bar! In shock pa rin ako sa totoo lang!

"Yung kanina? Yung lumabas dyan sa kamay mo? Sa kamay nung mga nasa stage? Ano yun? Pano nyo ginawa yun? Magikero ba kayo?" - sunod sunod kong tanong sa kanya, para isang bagsakan na lang.

Nanatili itong naka tingin sa akin pag katapos ko syang batuhin ng kung ano anong tanong.

" It's magic? "-sagot nya na para bang hindi sya maka paniwalang hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yun

" Magic? "- I already expected it pero feeling ko sasabog pa rin yung brain cells ko.

"You mean, you also forget about it?" - di maka paniwalang tanong ni Kuya Vyn.

Nanahimik naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko, like first of all hindi ko naman talaga naka limutan dahil second hindi naman talaga sakin ang pag kataong 'to.

Tsaka I never thought na sa isang Magical World ako na reincarnate, dahil sa ilang araw kong nanatili dito sa loob ng palasyo ay wala akong kakaibang pangyayari na naranasan na maaaring makapag bigay ng hint about Magic!

" Seriously? You don't know that we use magic?" - muling tanong ni Kuya Vyn pero nanatili parin akong tahimik, baka may masabi akong mali.

Kita kong bubuka pa sana ang bibig ni Kuya Vyn ng  matigil sya dahil may kumatok, pumasok ang isang kasambahay.

"Magandang gabi po, Prinsepe Silvyr pinapatawag ho kayo ng mahal na Reyna" - magalang at naka yuko nitong Saad, napa lingon ako kay kuya ng tumayo ito

"Bukas na natin pag usapan yan, mag pahinga ka na" - naka giti nitong saad at lumakad palabas hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at binagsak ang katawan ko sa kama.

Magic ~ Magic ~Magic

Paulit-ulit na saad ng utak ko, Magic? Pwera biro? Totoo ba? Weh? Ang alam ko lang na magic yung sa Harry Potter, same ba yun?

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon