CHAPTER 52

488 33 0
                                    

ARIADNE'S POV

Nagising ako ako dahil ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko, kahit gusto ko pang matulog ay bumangon na ako dahil gustong mag-gala nila Avon

I did my morning rituals and after that ay dumeretso na ako sa kusina, nagugutom na ako

"Magandang umaga Mahal na Prinsesa"- bati ng mga kasambahay sa akin

"Good morning din po" -umupo ako stool bar sa kusina at pinanood silang mag luto

"Prinsesa Ariadne, eto po muna ang kainin nyo habang nag hihintay" -inabutan nila ako ng tinapay at palaman

"Gusto nyo po bang magkape?"

"Naku, ako na po ang bahala dun wag nyo na pong alalahanin" - sagot ko dito habang nag papalaman

" Sigurado po kayo? "

" Yesiyesi"

Sandali akong tumayo sa kina-uupuan ko para mag timpla ng kape, dun tayo sa barako para matapang kaya kang ipaglaban, after nun bumalik ulit ako sa upuan ko at tahimik na kumain

"Good morning Mahal na Prinsesa" - ang naka ngiting bungad sa akin ni Tasha

"Good morning din, breakfast?" - alok ko dito na inilingan nya

"Tapos na po, yung mga kaibigan nyo nga po pala ay pababa na, matatapos na rin po ang almusal kaya after nyo po dyan dumeretso na po kayo sa dining"

"Sure sure" - sagot ko dito' habang tumatango pa

"By the way Tasha, birthday mo bathe day after tomorrow diba?"

"Tama po Prinsesa"

" Anong plano mo? Maghahanda ka ba? O balak mo umuwi sa inyo? "- tanong ko dito' at sinubo ang huling tinapay

"Ah hindi po ako maghahanda at dito lang po ako sa palasyo" - napatigil ako sa paghigop ng kape

"No way! Hindi pwede yun, isang beses sa isang taon lang ang birthday noh, it's a no no!" - iniling ko pa ang ulo ko habang winagayway ang hintuturo ko

"M-mahal na Prinsesa--

" Tsk, tsk, tsk! No buts, anyway since wala kang plano leave it to me okay, then punta na ako sa dining"- hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil for sure naman ay tatangi lang yan -- I wonder kung alam nya ang plano ng kapatid nya

After having our breakfast with my parents, nagpaalam kami na maglilibot muna kami sa bayan na thankfully pinayagan nila Dad, we just fix ourselves at lumarga na

Pagkadating namin sa bayan, lahat ng atensyon na sa amin, di ko tuloy alam kung kakabahan ba ako dahil the last time I check, matindi ang galit sakin ng mga tao dito🤧

Hindi ko na ikukwento bawat detalye ng naging pasyal namin, basta kumain kami, namili, at nanood ng special show na hinanda daw for Young Royalties ( wala akong alam dito' -_-) well, katulad lang sya nung palabas na pinanood namin nila Kuya nung time na nagising ako mula sa 'accident' daw

"Ang bilis naman ng oras" - rinig kong saad ni Avon

Nandito kasi kami sa isang park, naka upo sa picnic blanket ( ewan ko ba tawag dito), nag-aya mag picnic ang mga 'to pinangunahan ni Avon

Mag gagabi na rin, medyo madilim na ang paligid, wala ring katao-tao bukod samin kaya relaxing~~

Kagat-kagat ang isang sandwich sa bibig ko, tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nilapitan si Arvie

"Arvie, Anong ginagawa mo dyan?" -tanong ko at nag squat, nakatalikod sya sa akin at abala sa pag-- ewan ko kung kinakain nya yung mga halaman o pinipitas nya lang gamit ang bibig nya

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon