CHAPTER 11

3.8K 189 1
                                    

ARIADNE 's POV

Tahimik lang akong naka upo dito sa likod, naka simangot, naka busangot at hindi maipinta ang muka, yung sama ng loob ko umaabot na ata sa langit dahil alam nyo ba huh, alam nyo ba? Syempre hindi.

Ganito kasi yun ang sabi ng damuhong Dracyian na to matulog daw muna kami habang malayo pa, oh kami naman tong masunurin ni Frea, natulog.

Ayun na eh, ayun na, sobrang sarap na sana ng tulog ko, ang ganda na ng panaginip ko, kinakasal na daw kami —chos mali pala, so ayun nga, sa kalagitnaan ng masarap na pag kakahimbing ko...GRABE!  yung mundo ko mga bhe, halos mayanig yung mundo ko dahil sa biglaa~~ng pag preno ni manong driver, yung pagmulat ng mga magaganda Kong mata yung likuran ng upuan ng damuhong lalaki na to ang bumungad sakin, at yung noo ko, ang sakit mga teh, ang sakit grabe at alam nyo kung ano yung mas nakakasama ng loob? Ay grabe talaga, yung misfortune ko ata ang kasayahan ng lalaking to, yung nasaktan na ako natutuwa pa sya? Yung pag kamulat na pagka mulat ng mata ko, yung tawa nya ang unang narinig ng mga tenga ko!

Oo ang gwapo ng dating ng tawa nya pero, ang ungas na to ginawa akong  clown, yung masungit na muka nya kanina parang naging bata na nakakita ng clown tapos pag kaayos ko ng upo feeling inosente, maang-maangan akala nya ata bingi ako ungas sya!

"Ate Aria is sulking" - natatawa na saad ni Frea, mas napa simangot ako at binato ng masamang tingin ang Kuya nya, feeling mo gwapo ka huh?  hindi! hindi ka nag ka-kamali.

"We're near" - sabi ni  Dracyian at bahagya kaming nilingon, at kinuha ko ang pagkakataon na yun para irapan sya, kala nya humanda sya sakin.

*Hooo* So ilang minuto nga lang ay nakarating na kami, at isa lang ang masasabi ko WOW!

Kasing laki o mas malaki pa ata to sa palasyo namin, ang taas ng gate at kulay abo tapos sa pinaka gitna ay may bilog na glass - - yung parang bolang crystal tapos sa loob ay may mga umiikot na ibat ibang kulay - - kulay na sumisimbolo sa bawat elements

Naunang bumaba si Frea sumunod naman ako, si Dracyian may hina-habilin pa sa driver nila, saktong pagbaba ko ay unti unting bumukas ang Gate at bumungad samin ang isang lalaki na may katandaan na at anim na estudyante, tatlong babae at tatlong lalaki, may hinala na ako kung sino sila pero I'm quite sure.

"Welcome Princess Ariadne, Princess Frea and Prince Dracyian" - nakangiting bungad samin nung matandang lalaki at bahagyang yumuko, binati rin naman namin sya pabalik.

"Ladies, gentleman, Iiwan ko na sainyo si Princess Ariadne, kayo ng bahala mag-tour sa kanya since bago sya dito" - baling nito sa mga nasa likod at muling humarap sakin.

"Welcome again Princess Ariadne, hope you enjoy your stay here, If you need anything just go to my office, I'll go ahead" - hindi na ako muli pang naka pag salita ng tuluyan itong mag laho sa harapan ko, grabe di ko man lang natanong name ni 'Mr. mukang nag ma-madali'

"Ate Aria, mauuna na rin po ako" - kalabit sakin ni Frea

"Sige mag-ingat ka"- I patted her head as I hear her giggle.

"Kuya ikaw na bahala kay Ate Aria ah babye po, see you around" - kumaway pa sya sa mga Royalties at tuluyang nawala

Halos mapa atras ako sa kinatatayuan ko ng sabay-sabay na tumakbo palapit sakin yung tatlong babae pagkatapos ay kanya kanyang kawit sa braso ko, magaganda sana sila kaso may mga lahi atang tarsier.

"Welcome Ariadne, OMG! I Finally meet you" - saad ng babaeng nasa kanan ko, she has this oceanic blue hair and eyes, maputi rin sya pero, obviously mas maputi ako, actually pinaka maputi ako sa kanilang lahat para na akong walang dugo.

"You're so pretty, I'm Estelle Seren Kessler, call me Estelle I'm an Ice element holder" - naka ngiting Saad naman nitong nasa harap ko, her hair is a mix of color blue and white and her eyes is color yellow? Or gold?

"I'm Azuree Cerise Eastwood, call me anything you want I'm a Nature element holder" - aww parang sya yung pinaka mahinhin sakanilang tatlo, her hair is green - - not the dark green - - yung light lang kaya ang ganda tignan and her eyes is a Hazel brown, color of forest *~*

"Wait I forgot to introduce myself, I'm Avonlea Alda Dwyn Ambers I'm water element holder" - singit pa nito, sya yung naka kawit sa kanang braso ko

"Tara na sa dorm, roommate kayo ni Cerise" - nakangiting saad ni Avonlea - - Avon na lang

"Wait yung gamit ko" - pigil ko sa tangkang paghila nila sakin

"Hayaan mo na sila Dracyian dyan, iisa lang naman ang dorm nating lahat" - nagulat naman ako sa sinabi ni Estelle

"Iisa lang? Bakit?" - bakit? Bakit? Ibig sabihin 24/7 ko makakasama yung damuhong Dracyian na yun?

"Actually we have our own dorm kumpara sa ibang students, bukod kasi na we're Royalty, we are part of Student Council" - paliwanag ni Avon

"Ahh, bakit kasama ako? Okay lang naman na sa ibang dorm ako" - nanlaki naman ang mata ni Cerise

"That's a no no, you are the Vice President of Student Council" - dun na talaga ako na tigilan.

"Ako? Eh sa pag kaka-alala ko ang sabi sakin ni Tasha I've never been into school?" - taka kong tanong.

"It was decided by the School Council and Dracyian as he is the President" - sagot ni Estelle, dun ako napalingon sa likod kung saan nandun si Dracyian at yung tatlo pang lalaki, na tigilan silang tatlo sa paglalakad ng lingunin ko sila

Pano naman nya nagawang mag desisyon eh di naman nya alam kung kaya ko bang gampanan yung tungkulin na binigay nya sakin? Well yeah I can do my task like duh, isang organisasyon ang pinangunahan ko sa previous life ko pero what if nga eh, tsaka Tasha or Kuya's never mention that I knew him? Weird...

Sinamaan ko to ng tingin lalo na ng taasan ako nito ng kilay, suplado kang ungas ka! Inirapan ko ito at muling itinuon ang pansin sa tatlong babae na nasa tabi ko.

"May something kayo ni Draycian noh? Hihihi kayo ah, ngayon lang naman sana kayo nag kita, love at first sight ba yan?" - napa-igtad ako ng tusukin ni Avon ang tailiran ko, tinawanan ko ito.

"Hahahaha oo love at first sight" - sa sagot kong yun ay natahimik silang tatlo

"Sa sobrang love parang gusto ko na syang yakapin ng mahigpig hanggang sa sumabog sya" - naka poker face kong saad.

Ilang segundong katahimikan ang lumipas...

Hanggang sa sabay-sabay kaming humagalpak ng tawa.

Well I guess my journey will not gonna be that bad, I'm looking forward to it, after all I never got to experience a wonderful school life.

>>>>>>>>

REINCARNATED AS THE WHITE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon