4

20.6K 745 172
                                    

HINDI na nakasagot pa si Serenity sa huling sinabi ni Tori sa kanya tungkol kay Havoc dahil dumating na ang prof nila. But she's still curious why she said that everyone knows Havoc. Is he a celebrity?

"So, Serene spill it, paano mo nakilala si Havoc? Matagal na ba kayo magkakilala?" tanong sa kanya ni Tori nang makalabas ang professor nila sa classroom.

"Kailan ko lang din siya nakilala." ikinuwento niya kina Tori at Midnight ang pagkikita nila ni Havoc sa mall, pati na rin ang pagkikita ulit nila ng lalaki sa playground sa village kung saan sila nakatira.

"Oh, that's so sweet. Sasabihin ko pa naman dapat sa inyo ni Midnight na isa rin si Havoc sa mga dapat iwasan dito sa campus, but base on what I saw earlier, mukhang wala na akong dapat ipag-alala."

Naalala niya ulit ang huling sinabi ni Tori bago dumating ang prof nila sa second subject, "Nga pala, why did you say a while ago that everyone knows Havoc, celebrity ba siya?"

"Hindi naman but something like that, kilalang businessman kasi ang pamilya nila, especially his grandfather, you said your parents also into business kaya sure ako na kilala rin nila ang mga Knight. And Havoc, varsity basketball captain siya dito sa Sinclair. He's famous kahit sa ibang university dahil sa galing niya maglaro ng basketball, he's also famous obviously, because of his looks. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming nagkaka-gusto sa kanya." mahabang paliwanag ni Tori.

"Ahm..h-how about you? do you like him too?" alanganing tanong niya sa babae, pilya naman siya nitong nginisian.

"Of course not, I'm not into bad boys and cold hearted guys. He's all yours."

Hindi niya alam kung bakit biglang naramdaman niyang nag-iinit ang magkabilang pisngi niya, "He's not a badboy, Havoc's nice and h-he's not mine." Hindi naman bagay si Havoc para maging pag-aari niya, diba?

"If you say so, but I can see that he's already into you, right Midnight?"

Naguguluhan ding tinignan ni Midnight si Tori katulad niya, mukhang hindi rin nito na-gets ang sinabi ng huli. Mataman lang itong nakikinig sa usapan nila ni Tori.

"H-ha? what do you mean?" maang na tanong ni Midnight.

Tori scoffed, pabiro pa nitong sinapo ang noo na parang problemadong-problemado. "Geez, remind me to teach both of you some stuffs about boys, you're so innocent."

Natigil lang sila sa pag-uusap nang dumating ang professor nila para sa ikatlong subject nila. Sabay-sabay silang tatlong lumabas ng room nang sumapit ang lunch, nagyaya ulit si Tori sa cafeteria, hindi na sila tumanggi ni Midnight dahil gutom na rin naman sila.

Naglalakad sila papunta sa field papunta sa cafeteria nang may humawak sa braso niya, she almost startled but it faded when she saw Havoc.

"H-havoc!"

"Where are you going?" tanong ng lalaki sa kanya. As usual, his face has no emotion but she can hear the gentleness on his voice.

"We're going to cafeteria to eat lunch."

Mula sa braso niya, bumaba ang pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya. "Eat with me, let's go." hihilahin na dapat siya nito paalis nang maalala niya sina Tori at Midnight.

"B-but I'm with my friends," nakalabing saad niya sa lalaki. "I-it's the first time that we're going to eat lunch together, I-I w-want to eat with them too."

Tinignan ni Havoc sina Tori at Midnight bago ibinalik ang tingin sa kanya, "Fine, I'll join you instead."

Lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa sinabi ng binata. The four of them started to walk towards the cafeteria, Havoc still holding her hand and she's lying if she said that she doesn't like it because she likes it, a lot. She doesn't know but she's very comfortable to Havoc.

Havocs' SerenityWhere stories live. Discover now