C

13.5K 356 13
                                    

PARANG umakyat lahat ng dugo ni Havoc sa ulo niya nang makita si Serenity na kasama ang half-brother niya na si Peter. Halos magsalubong ang mga kilay niya nang makitang nagyakapan pa ang mga ito.

Kailan pa dumating sa bansa ang lalaki? Ang alam niya nasa Texas ito para i-pursue ang passion nito sa medical field.

At kailan pa naging close ang lalaki kay Serenity?

"So you and Peter, huh?" hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin iyon sa babae bago pa ito makalabas ng opisina niya.

Maang na napalingon sa kanya ang dalaga, "Pardon?"

Patamad na isinandal ni Havoc ang sarili sa backrest ng swivel chair nito, he lock his gaze on her, "Is he your boyfriend?"

"I believe my personal affairs is none of your business, Sir." hindi niya inaasahan na sagot ng babae sa kanya, kimi pa itong ngumiti sa kanya saka ito nagmamadaling lumabas ng opisina niya. Inis na niluwagan niya ang necktie na suot.

Tangina naman kasi. Nagseselos lang naman siya.

Kaya nang malaman niya na umuwi pala si Peter pala sa birthday ng ama nila, hindi na siya nagdalawang-isip pa yayain si Serenity sa party kasama siya.

Inabot ni Havoc sa dalaga ang puting envelope, "That's an invitation for my father's birthday party this incoming Saturday, I want you to come with me."

"S-sir? Pero bakit po ako?" takang tanong nito.

"No buts, no whys, you're coming with me. End of discussion."

"S-sige po, Sir."

"I'm going to fetch you, okay?" paninigurado pa niya. Baka kasi maunahan pa siya ni Peter, mahirap na.

Araw ng birthday party ng dad niya. Katulad ng sinabi niya sa dalaga, sinundo niya ito. And he was stunned when he saw her.

Halos magsalubong pa niya ang mga kilay niya nang makita kung gaanon ka-daring ang suot nitong damit! It's a maroon halter lacey long gown. Halos kita ang likod nito, may slit din iyon kaya lantad ang mahaba at makinis na hita nito kapag naglalakad.

"Tangina, baka makapatay ako ngayong gabi ah." he murmured while staring at her.

"P-pardon, Sir?" usal naman ni Serenity. Hindi na siya sumagot at inalalayan na lang ito pasakay ng kotse niya. Parehas silang tahimik habang nasa biyahe sila.

"Always stay by my side when we get inside, understood?" malamig na saad niya sa babae nang makarating sila sa ancestral house nila kung saan gaganapin ang party. He also wrapped his hands on her waist.

"Words, Miss Moran." Havoc whispered to her ear.

She gulped and nodded to him, "Y-yes, Mr. Knight."

Nasa tabi lang niya ang dalaga habang nasa party sila. At nang yayain niya ito sumayaw, naalala niya noong una rin silang sumayaw ni Serenity sa acquaintance party nila noon. It feels magical. Parang nawala ang mga kasama nila sa paligid at silang dalawa lang ni Serenity ang nandoon. He locked his gaze on her.

"S-Serenity—" his phone suddenly vibrated. Tumigil sila sa pagsayaw, kinuha niya ang cellphone niya mula sa inside pocket ng suit na suot niya. Nakita niya ang pangalan ni Olivia sa screen ng phone niya.

"Havoc—"

"Stay here for a while. We will talk later, wait for me." sabi niya kay Serenity saka sandaling umalis doon. Lumabas siya ng ancestral house nila saka niya sinagot ang tawag ni Olivia.

Nalaman niya na isinugod pala nito ang anak nito na si Blare sa ospital at kailangan nito ng bata ang blood transfusion. Ibinaba niya sandali ang tawag ni Olivia at tinawagan ang EA niya, nagpahanap siya ng blood type ng bata sa blood bank pero wala itong nahanap.

Havocs' SerenityWhere stories live. Discover now