27

16.3K 488 33
                                    

PINIGILAN ni Serenity si Havoc na magpakuha ng pagkain sa server na dumaan sa mesa nila kung saan sila nakaupo. Hindi pa naman kasi siya nagugutom. Pumayag naman ang lalaki at nagpakuha na lang ng punch para sa kanya.

A gasped escaped through her lips when she saw Tori on mini stage, nasa likod nito ang orchestral band. Nang magtama ang tingin nila ng kaibigan, kinindatan pa siya nito. Ilang sandali pa, nag-umpisa na ito kumanta. Nagsimulang magpuntahan ang ilang pareha sa dance floor.

Hindi na niya namalayan ang pagtayo ni Havoc sa harap niya, bumaba ang tingin niya sa nakalahad nitong kamay. "Let's dance." saad nito.

Bago pa si Serenity makasagot, hinawakan na ni Havoc ang kamay niya at iginiya siya patayo. As soon as they reached the dance floor, he put her hands on his shoulder then his hands on her waist. They sway their body on music while staring each others eyes.

And that moment, Serenity felt again that magical feeling when Havoc asked her for a dance. Noong unang niyaya siya nitong sumayaw sa acquaintance party nito. Noon. Iyon na lang ba ang palaging gagawin niya? Ang mag reminisce ng nakaraan nila ni Havoc? Hindi na niya napigilan ang panunubig ng mga mata niya. She tried not to cry, pero nag-unahan nang tumulo ang mga luha niya.

Nagulat si Havoc. His cold expression changed, nabasa niya ang pag-aalala sa mga mata nito.

"S-Serenity—" his phone suddenly vibrated. Tumigil sila sa pagsayaw, kinuha ni Havoc ang cellphone nito mula sa inside pocket ng suit na suot nito.

"Havoc—"

"Stay here for a while. We will talk later, wait for me."

And again. Like what happened before, Havoc just left her there. Tinanaw na lang niya ang papalayong bulto ng lalaki. Siya naman ay nakayukong umalis sa dance floor. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makarating siya sa labas ng mansyon. It looks like a wide and big garden.

Makulimlim ang kalangitan, walang mga bituin at buwan. tanging ilang ilaw lang sa lamp post ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa paligid. Wala ring ibang tao sa paligid maliban sa kanya.

Naupo siya sa bench na nasa ilalim ng isang puno. Nakatanaw lang siya sa kawalan. Nayakap niya ang sarili nang umihip ang malakas na hangin.

Havoc finally will talk to her, finally they will have a closure for what happened between them before. She smiled weakly. She decided to wait for Havoc there. She keep waiting.

And waiting. But still no signs of Havoc.

Unti-unti nang buhos ang ulan, pero siya, nakaupo pa rin doon at matiyagang hinihintay si Havoc. Napaangat na lang siya ng tingin nang may nagpatong ng suit jacket sa balikat niya.

"Are you out of your mind?! It's already raining! Bakit ka pa dito naghintay?!" asik sa kanya ni Havoc.

She smiled weakly to him, "Because I know you will came, and look, you did." His jaw clenched, hindi makapaniwala siya nitong tinignan.

"Damn. Let's get out of here!" hinila ni Havoc ang braso niya pero agad niya iyong pinalis.

"No, let's talk here."

"We will talk, but not here! Let's go!"

"No! Baka hindi mo na naman ako kausapin, ngayon na tayo mag-usap."

"Shit, Serenity! You're so stubborn!" tumalikod ito para umalis, pero nakakatatlong hakbang pa lang ito palayo sa kanya, nagsalita na ulit si Serenity. Hindi na siya nakatiis. Kailangan na niyang ilabas ang kinikimkim niya kundi, baka hindi na niya kayanin ang sakit.

"Did I make you like that, Havoc? You're so cold, ruthless—"

"Yes, you fvcking did!" sigaw ni Havoc sa kanya, "I fvcking love you so much, but what you did? You left me like a fucking child! Yes, aaminin ko, may mga bagay akong hindi nasabi sayo noon pero sapat na ba yon para iwan mo ako ng ganoon? I'm always asking myself, what did I do? where am I lacking? Tapos ano? Pagkalipas ng ilang taon na nasanay ako na wala ka, bigla ka na lang susulpot ulit na parang walang nangyari?!"

Havocs' SerenityWhere stories live. Discover now