CHAPTER THREE

582 24 0
                                    

ELLAINE'S POV

Andito ako sa university. Pake niyo? Charot

"Hoy mare bat di mo ko sinuyo kahapon" nagmamaktol na sabi ni melissa

"Ano ka ba gold?" Tanong ko

"Diamond ako" sabi naman niya

"Ahh okay" sabi ko lang

Actually wala akong mood makipag talo ngayon sakanya at wala akong mood na mabwisit ngayon

"Oh may problema ba?" Tanong niya sa akin

"Wala naman" sabi ko sabay idlip ng kaunti

Nagising ako kasi may nararamdaman ako nakatingin sa akin kaya dahan-dahan kong binuksan ang aking magagandang mata at syet na malagettt si sir tan nakatingin sa akin!

"S-sir" nauutal na sabi ko

"Who allowed you to sleep in my subject?" Tanong niya. Wala bakit? May angal ka?

"S-sorry po" nakayukong sabi ko

Agad naman siyang lumapit sa akin at nagulat ako sa binulong niya

"Go sleep in my office baby" napatulala ako mga mare

Umalis na siya sa harapan ko at nag discuss na ulit

Habang ako eto. Nakatulala kasi may iba na siya charot

"Hoy prend bat ka nakatulala diyan? Impernes kakilig si sir ah" kinikilig niyang sabi

"A-ah?" Tanong ko

"E I O U tatay mo Kalbo" pagtutuloy niya. Agad ko naman siyang sinamaang ng tingin.

"Hindi naman kalbo si dad ah. Itapon kita diyan eh" inis na sabi ko

Totoo naman kasi. Hindi kalbo si dad. Malapit palang

"Kanta yon mare keyks sorry" sabi niya pero nginitian ko lang siya at tumango

Oy kahit lagi akong bwisit ngumingiti din ako nohh

Natapos ang first subject namin ng maayos at walang nasipa na gamit

Pumunta muna kami sa cafeteria kasi nagugutom na ako di pa kasi ako kumain

Habang naghahanap kami biglang kumaway sina Hanzo At Harry oh diba ML lang ang peg

Kaya pumunta na kami dun pero pagka upo namin biglang may nagsalita sa speaker dito sa buong univ.

"Don't you dare sit down baby or else I'll give you a punishment later"

Agad naman silang kinikilig kasi alam kong si sir tan yun boses palang kahit cold hot parin

"Upo na tayo" sabi ni melissa kaya umupo naman kami

Sino kaya yung baby ni sir?

Nagkwentuhan lang kami nila hanzo at harry tas bumalik na ulit kami sa mga rooms namin.

"Ms. Klaverde pinapatawag po kayo ni sir smith" sabi ng isang student kaya tumango lang ako at pumunta sa office niya

Pagkapasok na pagkapasok ko nagulat ako nung bigla niya akong kinorner

"Baby" namamaos niyang sabi habang nakakorner ako

Putek tong puso ko nagwawala

"S-sir l-layo p-po k-kayo" sabi ko habang nauutal layk wat da pak kasi ang lapit ng mukha niya sa mukha ko

Pero nginisian niya lang ako hinalikan sa labi napapikit naman ako sa gulat pero habang magkalapat ang aming mga labi natauhan ako kaya agad ko siyang tinulak

"A-ano ba sir!" Gulat na sabi ko. Nginisian lang ako ng hanimal na to at bumalik sa swivel chair niya

"You can go now baby" nakangiting sabi niya pero naiinis na ako kasi bat niya ako ginaganito?! Layk hayuf parang mahal na mahal ako ng lokong to

Pero umalis nalang ako kasi baka masapak ko pa to

Pagkaalis ko pumunta na akong cafeteria tas nagulat ako ng makita ko na nakikipag sabunutan si melissa sa queen bee ng univ na toh. Mukha namang tutubi

"How dare you to steal my boyfriend!" Sabi ni bea yung queen bee

"Di ko siya inagaw! Sadyang mas maganda ako kesa sayo!" Sigaw ni melissa sabay sampal kay bea

"How dare you!" Akmang sasampalin na ni bea si melissa pero agad kong pinigilan ang kamay niya

"And Don't you dare lay your dirty hands in my bestfriend's beautiful face!" Inis na sigaw ko sabay sampal sa kabilang pisngi niya baka kasi mainggit yung isa kaya sinampal ko na rin

Tinignan lang ako ni bea at umalis kasama yung mga alagad niyang mukhang aso

Actually takot sa akin si bea dahil pinatumba ko na siya dati

"Mare" tawag sa akin ni melissa at niyakap ako

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko habang kayakap ko siya

"Kabit kasi ako teh. Gwapo kasi yung boypren niya eh atsaka inagaw lang naman. Anong masama sa pagiging kabit?"

Aba't! Patayin ko kaya toh!

BREAK UP PRANK TO MY PROFESSOR WHICH IS MY BOYFRIEND IN RPWTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang