ELLAINE'S POV
"So may field trip tayo. Kung hindi kayo makakapunta babagsak kayo. Unless katanggap-tanggap yang rason niyo baka payagan namin kayo na hindi makapunta" sabi ni ma'am anna prof namin sa philosophy
"Makakapunta ka?" Agad na tanong sa akin ni melissa. Btw panibagong araw nanaman ang araw na ito
"Oo naman" nakangiting sabi ko. Agad naman siyang napangiti
"Pupunta rin ako" nakangiting sabi niya
"Walang nagtanong" sabi ko sabay flip hair sakanya. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin
Pero nakinig naman na kami, mamaya baka bumagsak pa kami
--7 years later--
Charot! 15 minutes lang
Andito kami sa cafeteria kasama sina hanzo at harry pero habang kumakain kami dumating si sir tan na may kasamang b-babae?!!!
Bat ganon? Biglang kumirot yung puso ko. Pero wala lang siguro yun
Kumain nalang kami at hindi pinansin sina sir
Pagkatapos kong kumain umalis na kami ni melissa. Nawalan kasi ako ng gana. Ewan ko kung bakit
"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik" tanong ni melissa
"Ah okay lang ako" sabi ko sabay pasok sa room
Nagulat ako nang biglang may nag text sa akin
[Don't worry baby. She's just my cousin. Don't be jealous]
Napangiti naman ako. This man is making me crazy
(A/n: Dati ka ng baliw)
Edi wow otor
Ngayon alam ko ng crush ko si sir.
"Oh tas ngayon ngumingiti ka na" sabi ni melissa sa tabi ko pero nginitian ko lang siya
Napatingin ako ulit a phone ko nung may nag text ulit siya
[I'm yours baby]
"Mare keyks" napatingin naman ako kay melissa na naghahanap ng mga pagkain dito sa SM
Btw andito kami ngayon sa SM naghahanap ng mga babaunin sa field trip. Balita ko sa beach yun ehh
"Po?" Tanong ko
"Kanina pa kita tinatanong kung anong bibilhin mo" sabi niya sa akin habang naglalagay ng mga snacks sa basket niya
"Ahh wait lang titingin na rin ako" sabi ko tsaka kumuha ng mga gusto kong pagkain
Pumunta na kami sa counter nung tapos na kami kumuha ng mga snacks
"1,000.75 pesos ma'am" sabi ng cashier kay melissa. Nilabas naman na ni melissa yung pera niya at binayaran na
Ako naman na ang sumunod
"5,700.75 pesos ma'am" sabi sa akin ng cashier. Kaya binayaran ko na. Nagtataka kayo kung bakit ang dami? Sinama ko na rin yung pang condo ko. Para may stock ako.
"Thank you" nakangiting sabi ko sa cashier at umalis na
Pero di pa kami umuwi kasi bumili muna kami ng two piece bikini namin. Sa akin ay red at kay melissa ay blue
Habang naghahanap kami ng mga bikini biglang may tumawag sa pangalan ko
"Aera"
Shet bumalik siya
![](https://img.wattpad.com/cover/300926517-288-k696208.jpg)
YOU ARE READING
BREAK UP PRANK TO MY PROFESSOR WHICH IS MY BOYFRIEND IN RPW
RomanceI'm just a normal girl pero....