𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 3: 𝐓𝐑𝐎𝐔𝐁𝐋𝐄

17 2 0
                                    

𝙑𝙄𝙑𝙄𝘼𝙉'𝙎 𝙋𝙊𝙑:

                     Pagkatapos ng bakasyon ko sa states ay pumasok na ako sa university namiss ko talaga ng sobra si kairos siya ang naging dahilan kung bakit ako nag aaral nang engineering ngayon , balak ng mga magulang namin na ipakasal kami ni kairos pagka graduate upang magkaroon ng mas malawak na negosyo ang pamilya namin i know it sounds weird pero pumayag ako sa deal nila , para narin ito sa kinabukasan namin

                     Late na akong nakapasok sa university kasi may pina asikaso sakin daddy about sa work , ako lang kasi ang nag iisang anak ng pamilya torres kaya wala akong choice kundi tanggapin lahat ng trabaho dahil ako ang magmamanage nang bussiness namin after college. Lunchtime na nung nakarating akong university kaya dumiretso na ko doon upang makita si kairos pero nang dumating ako roon ay parang ayaw niya akong makita ,hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sa akin eh maganda naman ako at mayaman din magka partner ang daddy namin sa trabaho at childhood friend niya ako ,marami kaming pinagsamahan ni kairos pero nag iba lahat ng pakikitungo niya sa akin nang ina nounce ng dad niya na balak niya itong ipakasal sa akin.

                           Alam kong mali pero sinundan ko si kairos sa labas kasi ayaw kong mapagalitan na naman siya ng dad niya dahil sa hindi niya ako kinakausap ng maayos at di ako pinapansin .Nasaktan ako sa sinabi ni kairos sa akin na ayaw niya akong makita o makasama pero ilang beses ko na iyong marinig sa kanya , sa totoo lang ay wala akong nararamdaman para kay kairos pero pinilit ako ni daddy dahil sabi nito mas gaganda ang buhay namin pag naging parte ako ng pamilya nila at mas lalawak ang kompanya ,at alam ko rin na ginagamit lang kami nito para sa pangarap at pera nila. 

                         Balak kong sabihin kay kairos lahat ng sinabi sa akin ni daddy at mga plano nila para sa amin pati na rin na wala akong gusto sa kaniya ngunit nang nahanap ko si kairos ay nakita ko siyang may kasamang babae di ako pamilyar sa isang to at ayaw kong mapalapit si kairos sa ibang tao at baka magustuhan niya ito at masira ang plano ni mga parents namin,kaya tinawag ko ito.

𝙔𝘼𝙉𝙉𝘼'𝙨 𝙋𝙊𝙑:

                         Sa wakas ay umalis din ang lalaking iyon ayaw ko siyang kausap at mabuti nalang at may tumawag sa kanya. Bumalik na ako sa building namin at nakita ko na nasa labas ng pinto sina azi at zerah nag uusap sila nang wala kami ni kiara ,narinig ko silang nag ku kuwentuhan tungkol sa babae kanina sa canteen na tumawag sa lalaking mayabang naiyon. "anong pinag uusapan ninyo?" tanong ko kay zerah , "diba yanna ikaw yung babaeng nag iwan nang bola ng magkakaibigan doon?" tanong pabalik nito ,tumango ako at biglang nanlaki ang mata nang mga ito tinanong ko kung bakit at anong meron "yung leader ng mga lalaking iyon ay si kairos siya ang pinaka mayaman at gwapo  na estudyante dito sa university isang milyonaryo ang mga magulang nito ,yung lalaking mala ice cream ang buhok ay si tony isang chikboy at yung lalaking pinaka mahinhin at mabait sa grupo ay si mccoy ,si stephen naman ang mahilig mamprank dito sa university ngunit si kairos ang mastermind nito ,si drake ang pinaka cool na umasta sa kanilang lima siya ang kapatid ni kiara magkakaibigan sila since high school kaya kilala na nila ang isat isa" pagpapaliwanag nito.

                        Hangang hanga ang mga ito sa limang iyon si azi ay may gusto kay stephen at si zehra naman ay may gusto  kay drake na kapatid ni kiara,alam ni kiara ang tungkol doon dahil marami talaga ang nagkakagusto sa kapatid nito "Mag iingat ka yanna kung ayaw mong mapagtripan ng limang iyon dahil pwede ka nilang ipahiya sa harap ng lahat " sabi ni azi. "lalong lalo na at nandito na si vivian siya ang future fiance ni kairos maldita iyon at kung ayaw mong pagbuntungan ng galit nito ay umiwas ka sa kanya ,napaka demonyo nito" dagdag ni zerah.Sakto ng dumating si kiara galing sa cr tumahimik na sila azi at zerah dahil baka tarayan ni kiara..

                                                            ****𝙼𝙴𝙽𝙳𝙾𝚉𝙰'𝚂 𝙼𝙰𝙽𝚂𝙸𝙾𝙽****

                     Natapos na ang klase at maaari na kaming umuwi ,pagkadating ko sa bahay ay naabutan ko pa si mommy na nagbabasa ng libro .Nakahanda na ang dinner at kumain na kami naroon ang paborito kong kainin ang spaghetti naalala ko kung gaano na katagal nung huli akong nilutuan ni mommy nito nakaka miss, naging sobrang busy na siya kaya wala na siyang time para ipagluto ako. Nang natapos na sa pagkain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama biglang sumulpot sa isip ko ang mga sinabi ni zerah ngunit di ko na lamang ito pinansin at natulog na dahil maaga pa ako bukas.

                    Pagka gising ko ay nagmamadali akong umalis dahil ayoko nang nale late sa klase ang gusto ko ay pumasok on time ,nalungkot ako dahil di ko naabutan si mommy "sobrang busy niya talaga" bulong ko sabay buntong hininga .

                                                               ****𝙷𝚄𝙽𝚃𝙴𝚁 𝚄𝙽𝙸𝚅𝙴𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈****

                      Nasa unang klase na ako ngayon  lahat nang ka klase ko ay tahimik na nakikinig kay prof. nang natapos na ang unang klase ay pumunta ako sa locker ko ,kinuha ko ang gamit na gagamitin ko para sa susunod na klase nang biglang may tumulak ng pinto nang locker ko at natamaan ang mukha ko paglingon ko sa gilid ko ay nakita ko si vivian ,hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon ngunit sigurado akong sinadya niya iyon.

                       di ko na pigilan ang galit ko dahil di man lang ito humingi nang tawad at tinawanan lang ako 

 "anong problema mo miss " bigkas ko nang mahinahon 

"bakit? masakit ba?"  nakakairitang tanong nito pabalik

"ay,hindi para lang naman akong sinampal ng sampong beses ng mabibigat na kamay" sagot ko sa kanya

  "oh talaga ba? pwes kung ayaw mong masaktan yang pangit mong mukha ay lumayo ka at huwag mong lalapitan si kairos" saad nito na kinagalit ko

 "nangagag* kaba? ano naman ang pake ko sa kairos mo, sino kaba?at tsaka sino ba yang kairos na yan?" saad ko at hinawakan ang mukha ko dahil sa namumula na ito sa hapdi

"hindi mo ba ako kilala?" tanong nito pabalik na kinainis ko

" magtatanong ba'ko kung kilala kita?" sagot ko dito at mukhang napahiya ito dahil marami ang tumawa

"bago ka palang siguro ,sige magpapakilala ako ,ako si Vivian Torres 19 yo ako ang future fiance ni kairos mayaman ang pamilya namin kaya kung ayaw mong ma disp*tya ay lumayo ka sa kanya" paliwanag nito nang may bilib sa sarili

"wala akong paki sa buhay niyong dalawa at wala akong paki kung sino ka " lumaki ang mga mata nito at napahiya ulit nang magtawanan at magsigawan ang lahat..... Bago paman ako umalis ay tiningnan ko siya sa mga mata niya at sinampal sa mukha ,kitang kita ko sa mga mata nito ang galit at hiya hindi ko ito pinansin at naglakad na paalis .

ʜᴀᴘᴘʏ ɴᴇᴠᴇʀ ᴀғᴛᴇʀ (𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕𝚘𝚐)Where stories live. Discover now