𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫7: 𝐀𝐍𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐏𝐑𝐀𝐍𝐊

10 1 0
                                    

𝙆𝘼𝙄'𝙨 𝙋𝙊𝙑:

Pabalik na kami ng mga kaibigan ko sa building namin nang napagtripan namin ang bagong student sa hunter university ,parang nawawala kasi ito ,ito namang si mccoy di panga kami tapos sa lalaking ito eh gusto ng umatras ayaw niya talaga mag enjoy hayst.... Sa lalaking iyon ko napagbuntungan ang galit ko kasi pumalpak ang plano ko sa tianna na iyon , akalain mong nailagan niya pa hayst.Sa susunod ay hindi na ito makakailag pa pahihirapan ko siya napahiya ako dun kanina.

"pre, ano na balak mo ngayon at punalpak ka hindi kapa pumapalya sa mga ganito pano ngayon yan" saad ni stephen

Natahimik ako at nagseryoso , "nag iisip pako ng plano pre" sabi ko sa kanya at nagkamot ito ng ulo.

"ano ba yan pre ako na nga ,mas mabuti pa kidnappin natin kunwari" biro nito

"baliw ka? ano naman gagawin mo pag kinidnap mo yon baka mailagan tayo ulit"sagot ni Stephen at sumang ayon kaming lahat

"what if ipahiya natin kai ? alamin mo kung ano ang weaknesses niya at dun mo ibulgar tsaka natin pagtripan" suhestiyon ni stephen ,ito talagang lalaking to basta kalokohan grabe ang daming naiisip .

"sige" pagsang ayon ko ,tutal napahiya ako dun ang dami pa namang mga babaeng may gusto sakin dun . Sumang ayon naman ang lahat pwera kay mccoy lagi nalang siyang kontra sa mga pinaggagawa namin tsaka si drake hayst lagi nalang walang pake pero atleast sumasama sila sa mga kalokohan namin HAHAHA

Tapos na ang klase at pauwi nako may projects pa akong gagawin ,nagpaalam narin ako kina tony at sa pagmamadali ay naiwan ko selpon ko sa may basketballcourt diko alam kung saan banda ko iyon naiwala. Hinayaan ko na lamang at nagmadaling pumunta sa bahay bibili nalang ulit ako ng bagong cellphone.

****𝙵𝚄𝙴𝙽𝚃𝙴𝚂 𝙷𝙾𝚄𝚂𝙴****

Pagkadating ko sa bahay ay agad agad akong pumunta sa kuwarto ko at di ko napansin na naroon pala si Mr. Antonio Torres ang dad ni vivian , di ko na narinig pinag usapan nila dahil sa pagmamadali, nang nakapasok na ako sa silid ay nagsimula na akong magtrabaho para sa project namin . ilang oras pa ay natapos na ako , papunta na ako sa shower room ko upang maligo dahil naiinitan na ako madala ko itong ginagawa tuwing umuuwi ako galing school nang papasok na ako sa shower room ko ay may kumatok sa pinto ,binuksan ko ito at kaharap ko sa dad kitang kita sa mukha niya ang saya niya at may mahalagang sinabi.

"kairos anak, uuwi na sa susunod na buwan ang mommy mo" masayang saad nito na ikinatuwa ko ,ang tagal narin naming di pa nagkikita ni mommy nasa japan siya nagta trabaho for almost 3 years at sa wakas ay makakasama na namin ulit siya . Pinapasok ko si dad sa loob ng kuwarto ko at nag kwento tungkol sa pinag usapan nila ni mommy kanina at pareho kaming natuwa kasi matagal na kaming nag aantay na sana umuwi na si mommy ,nami miss na namin siya ng sobra , sa sobrang miss ni dad si mommy ay nagbalak ito na maghanda pagdating ni mommy hindi na bongga kami kami lang muna . At ito yung unang beses na nagkausap kami ni dad ng maayos ,

Pagka alis ni dad na may ngiti sa mukha ay dumiretso na ako sa shower room at nagpalamig ,nang biglang pumasok sa isipan ko si tianna at hanggang ngayon ay nagiisip parin ako kung ano ang magandang gagawin ko sa babaeng ito .At iyon na nga ay nagbalak akong alamin ang kahinaan niya .


𝙔𝘼𝙉𝙉𝘼'𝙨 𝙋𝙊𝙑:

Pagkatapos nung nangyari kanina sa room namin ay naging sobrang daldal ni azi at zehra nagtatatong kung ano ang dahilan kung bat nandito ang mga lalaking iyon ,dahil silang dalawa ang ipinaglinis ni prof. hindi niya ito naabutan ang apat na unggoy ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala yung isa nilang kasamahan siguro ay napagod kaka prank o landi ng mga babae sa architecture building.

**** 𝙼𝙴𝙽𝙳𝙾𝚉𝙰'𝚂 𝙼𝙰𝙽𝚂𝙸𝙾𝙽 ****

Nakauwi na ako sa bahay at naabutan ko ulit si mommy nag nagbabasa halos every month laging may sulat na dumadating at hindi ipinapaalam ni mommy sa akin ,inihanda na nang cook namin ang pagkain at eksaktong kakain palang ako ay tumayo na si mommy at sinabing "goodnight sweet heart matutulog na si mommy maaga pa work ko" wala na siya time para sakin lagi nalang siya busy .

Pagkatapos ko kumain ay dumiretso ako sa kuwarto ko at kinuha yung family picture namin ang saya namin lima duon andon si mommy,si daddy, ako, si kuya andrae at si summer kaso nga lang si dad di ko na nakikita o nakakausap man lang si kuya andrae naman nasa states pinapamahalaan ang ibanag bussiness doon ni mommy at si summer namin ang bunso kong kapatid na kay daddy, nami miss ko na silang lahat .Sana bumalik na kami sa dati, buong pamilya yung simple lang basta may oras para sa pamilya *buntong hininga*

𝙆𝘼𝙄'𝙨 𝙋𝙊𝙑:

**** 𝙷𝚄𝙽𝚃𝙴𝚁 𝚄𝙽𝙸𝚅𝙴𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈 ****

" Another day, Another pranks " saad ko habang nag paparking ,Ang ganda nang umaga ko nang nakita ko si tianna na nagmamadaling pumasok sa building nila, parang late siya ah HAHAHA , naunang dumating sina mccoy sa room at mabuti naman at naka balik na si tony .Alam nilang magiging busy ako dahil aalamin ko mismo kung ano ang kahinaan ni tianna mendoza mueheheheh ,hindi ito magiging madali dahil para sa akin napaka mysterious ni yanna mahihirapan talaga ako nito tsk.

Since di ko pa alam ang kahinaan ni yanna at tapos na ako sa mga lessons namin sinubukan kong makipag daldalan sa mga kaibigan nito pero bago yun ay sinigurado kong wala si kiara dahil lagot ako dun .Sa gitna nang pag uusap naming tatlo ay naisingit ko ang balak ko ang alamin ang kahinaan ng kaibigan nilang si tianna ngunit ang sagot lamang ng mga ito ay wala silang alam di daw ito nag o open up sa kanila . At ayon nga nagpaalam na ako at umalis tutal wala naman akong mapapala sa mga iyon ,kita ko sa mukha ni azi at zehra ang galit dahil sa iniwan ko ang mga ito at eksaktong dumating si yanna sana hindi nila sabihin sa kanya ang mga sinabi ko kanina tsk

Di ko parin alam kong ano ang kahinaan nito kaya gumawa ako ng paraan para mainis ito sa akin , naging successful ang sunod kong trip kay yanna dahil nilagyan ko ng pulbo ang upuan nito at ang cute pala nitong magalit HAHAHA para na akong tanga dito. Naging successful narin ang mga sumunod kong plano basta ba wala itong kinalaman sa pag ilag o kung ano HAHAHA .Pero naku curious parin ako kung ano ang kahinaan nito....bruh

ʜᴀᴘᴘʏ ɴᴇᴠᴇʀ ᴀғᴛᴇʀ (𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕𝚘𝚐)Where stories live. Discover now