𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫8: DOUBLE TRAGEDY

5 0 0
                                    

𝙆𝘼𝙄'𝙨 𝙋𝙊𝙑:

              Natapos na ang klase namin at maaari na kaming umuwi. Habang ako ay nag-aayos ng gamit ay nakita ko si Vivian kasama mga kaibigan niya na si Amanda at Crisel , ramdam kong may masama silang gagawin dahil nagmamadali ang mga ito .Sinundan ko ang tatlo hanggang sa gym ngunit dumating si Tony at tinawag ako di ko na naituloy ang pagsunod sa tatlo . Pinagtipon-tipon kaming magbarkada ni tony sa gym ,seryoso ang mukha nito kaya di na nakapagbiro si stephen . Ikinuwento ni tony na nung siya ay nasa baguio pa lamang ay nagkasakit ang kanyang lola nalaman na may taning na ang buhay nito .

              "Nagpaalam na ako kay prof. na magleave ,walang magbabantay kay lola ", saad nito ng may pagpipigil ng luha. Naaawa ako kay tony kase ni minsan di pa sila dinadalaw ng mga magulang nito, wala ring balita kung kamusta na ang mga ito dahil hindi na nagpaparamdam. Ang kuwento niya kasi sa amin noon pa lamang ay lola niya na ang nag aalaga at nagpalaki sa kaniya. "Bro, yung parents mo. Hindi ba nila dadalawin yung lola mo?", tanong ni McCoy. Natahimik ang lahat pagkarinig ng tanong na iyon. Lumingon si Stephen kay McCoy at sinamaan nito ang tingin. Nag aatubili naman itong si McCoy at humingi ng tawad kay Tony. "It's okay, Bro. You don't have to feel guilty at anything", saad nito sabay bumuntong hininga, "Ang tagal narin nung huli akong nakatanggap ng balita mula sa kanila, pero... ewan. Ayoko ng hanapin sila". Nagsalita naman si McCoy at sinabing, "paano yung lola mo?". Tony answered it, saying siya na ang bahala sa lola niya. Aalagaan niya muna si lola niya at pagkatapos nun ay babalik siya rito upang ipagpatuloy ang pag aaral nito. Tinapik ko ang balikat nito at nagsenyas na ayos lang. Stephen pulled us for a group hug, "I think this is going to be our last hug for this year, mga bro", sabay kurot ko sa gilid nito, "anong last hug for this year ka diyan, dadalaw kami sa baguio. Wag kang ano dyaan". Sumang ayon ang lahat at hindi namin maiwasang maluha.  

               Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay ipinahatid ko si Tony sa airport sa driver ko. Nagpasalamat itong si Tony sa akin at sinabing babawi raw ito pagkabalik niya. Ngumiti na lamang ako at sinabihan siya na magmadali na at baka mahuli pa ito sa flight. Umandar na yung kotse... kita ko parin hanggang dito si Tony na nakangiti sa amin at kumaway. Makarating sana siya sa paroroonan niya ng ligtas. 

               "hayyyyyyyyyyy!!!" nakakapagod, sabay patumba ko sa kama ko. Pumikit ako saglit upang mapahinga ang mata ko. Nang biglang narinig ko ang boses ni lolo sa utak ko, may bumalik na ala ala noong bata pa ako, bago paman siya nawala sa mundo,                                                                                                                        ~FLASHBACK~                                                                                                                "Apo, maging malaya ka sa gusto mo. Huwag na huwag kang papayag na kontrolin ka ng ibang tao", payo sa akin ni lolo. "Kahit po si Dad?" tanong ko sa kaniya, "oo naman, apo, kahit sino pa yan. Ipaglaban mo kung ano ang sa tingin mong tama at alam mong gusto mo", dagdag pa nito. Habang ibinabalik ng sarili kong utak ang panahon na kausap ko si lolo ay narinig kong tinatawag ni Dad ang pangalan ko mula sa ibaba.                        ~END OF FLASHBACK~                             Dali-dali akong bumaba para i check kung ano iyon. Hawak niya ang cellphone niya at parang may hindi maganda ang nangyari dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha. "D-dad, what happened?", I asked. He was still in shocked pero I can't wait to hear the problem. Inabot niya sa akin ang cellphone niya; naka on yung dial kaya inilapit ko sa tenga ko yung cellphone. May isang babae ang nagsalita at laking gulat ko ng binanggit niya ang salitang nagka car accident daw at critical ang lagay  ng Mom ko. Sa sobrang gulat ko sa nangyari ay muntikan ko ng mabitawan ang cellphone mula sa pagkakahawak sa kamay ko. Gulat parin ako, pero si Dad... biglang nahimatay. Nag panicked ako at sumigaw para humingi ng tulong sa mga kasambahay. Tumawag naman ng ambulansya ang driver namin, ngunit sa pagkakaba ko ay nasigawannko siya at inutusan na ihatid kami ni Dad sa ospital. Dali-dali naman itong bumyahe at idiniretso na namin si Dad sa doctor. Ayaw ko sanang iwan si Dad ng hindi pa nalalaman kung ano na ang kondisyon nito ngunit nais kok narin makita si Mom.  Pumunta ako sa may main entrance at nagtanong- tanong sa mga nurse doon kung asaan yung babaeng nabiktima ng car accident.                           Nung nalaman ko na kung saan ang si Mom ay nagmadali akong pumunta. Ngunit pinigilan ako ng mga nurse at isang doctor sa labas ng emergency room na pumasok rito. Hindi ko parin mahanap si Mom. Not until I backed out tsaka pagtalikod ko ay nakita ko yung assistant ni Mom. Umiiyak siya, puno ng gasgas at duguan din yung assistant mula ulo hanggang paa. Nilapitan ko siya at tinanong kong asaan si Mom ngunit hindi siya makasagot dahil sa hinihingal pa ito at gulat na gulat sa nangyari.  Then suddenly, nagkagulo sa ospital... ang mga doctor, nurse at iba pang staff ay dali-daling tumakbo sa operating room. Ang lakas ng kabog at tibok ng puso ko. Pra bang sasabog na sa sobrang sakit at kaba... I tried to follow them but...                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: May 02 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

ʜᴀᴘᴘʏ ɴᴇᴠᴇʀ ᴀғᴛᴇʀ (𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕𝚘𝚐)Där berättelser lever. Upptäck nu