CHAPTER TWELVE : Adaption

555 12 3
                                    

Xaivor: P. O. V 's

Mag-gagala daw si Brianna sa may labas. Kaya naisipan ko ding sumunod sa kaniya.

Habang nag lalakad siya hindi niya Alam na sinusundan ko siya nadala na kasi ako Noong unang lumabas siya actually may binili din ako no'n sakto namang nakita ko siya na bumili ng kwek-kwek kaya pinag pinanood ko nalang sya.

Baka mamaya madisgrasya pa sya ede kasalanan ko pa Kung mamatay sya.

Kaya nga ngayon eh bumubuntot din ako sa kaniya kasi tulad nong una muntikan na syang mamatay balak ko din sanang tulongan sya non kaso naunahan ako ni Cairo. Hindi ko nga din alam kung bakit bigla na lang sumulpot don si Cairo. Ayon sa sinabi ni Cairo may sinundan daw si clums at yuon ay si Tita ,Matagal ko na ding hindi nakikita si tita kaso wala akong time na bisitahin sya.

"Aaahhhh!! " Tssk sinasabi ko na nga ba.

"Huy miss gusto mo bang mamatay ?" sigaw nong driver na muntikan nang masagasaang si clums.

"Manong ako ng bahala sa kaniya" Sabi ko sa driver.

"Gago kaba? Hindi pa ako matanda!" Ayaw ba naman mag patawag ng manong.

"Diko na kasalanan Kung mukha kanang matanda" tssk nakakasira ng araw.

"Gusto mo bang suntukin kita?"

"Oh Pera umalis kana." nilagay ko yung Pera sa dib-dib niya. Mukha talagang pera.

"Huy clums ano bang ginagawa mo?" tumingala ito sakin tapos nag pout.

"Gusto ko lang naman na iligtas tong pusa... "

"Eh Kung namatay ka?"

"Bakit nag-aalala kaba sakin?"

"Malamang kasi Kung namatay ka ede ako pang may kasalanan. Ako pa'yung sisihin ng pamilya mo. " inismidan niya lang ako.

"Miming ok kalang?" tanong nito sa pusang payat na halatang mabaho.

"Bitawan mo nga yan kadire ka talaga."

"Hmm sige"

"Tara na " Yaya ko sa kaniya.

"Saglit lang nagugutom yung Pusa oh."

"Tssk ang isip bata mo talaga "

"Sige na nga, " nag lakad na kaming dalwa ng paglingon ko wala na sya sa likod ko. Tssk binalkan niya lang naman ang pusa.

"Clums ano ba?! " sigaw ko dito Kaya nag tinginan lahat ng Tao sa amin. Tangina mag mumukha pa akong masamng Tao dito. Bullshit talaga itong babae na ito akala ko matino hindi naman Pala.

BRIANNA P.O.V'S

Sinigawan ako ni Xaivor pero di parin ako nakinig sa kaniya.

"Xaivor dadalhin ko Yung pusa" then nag pa cute ako sa kaniya hahaha baka kasi effective.

"Mag dudumi lang 'yan don."

"Dali na ako naman ang malilinis eh"

"Tsk sige na nga" nag lalakad na siya habang nag sa Salita sya. "Dalian mo" pahabol pa nito sakin. pinagtitinginan na din kami ng tao kaya Dali dali akong nag lakad Para maabutan ko sya.

Mabilis na nag lakad si Xaivor ako naman tahimik lang alam ko kasing galit ito sakin.

Pagkadating namin sa mansion umakyat kagad sya sa may taas.

"Alam mo, ilang beses kanang muntikan ng mamatay siguro kung hindi kita sinusundan inu-uod kana ngayon." Sabi nito sa akin habang pa-akyat sya sa hagdan, na realize ko na masyado na Pala akong pasaway sa kaniya.

Mafia boss falls inlove With his maid (Un Edited)Where stories live. Discover now