A/P 31: OKAY LANG

12 1 0
                                    

Umiiyak, nagtatanong kung bakit?
Nalulungkot at nasasaktan na hindi alam
Nag-iisip at natatakot sa magaganap
Puso'y kay bigat at kaysakit titigan

Hindi ko alam bakit nalulungkot
Hindi ko alam bakit nabibigo
Hindi ko alam kung bakit kay hirap
At hindi ko alam kung bakit masakit

Maraming beses kong itinanong kung bakit
Maraming beses kong sinabing tama na
Maraming beses kong binitiwan ang luha
Ngunit isa lang hirap kong tanggapin

Puso'y may dinadaing na kirot
Damdamin ko'y lumuluhang tahimik
Pakiramda'y nararamdaman isang tinik
Pakiramda'y kaunti na lang, babaon na ang kirot

Sa malamig na gabi
Sa mainit na araw
Sa madilim na ulap
Sa liwanag ng buwan sa gabi

Mga mata'y nabibigo sa sakit
Mga labi'y nanlalamig sa pait
Mukhang naghuhumimig sa damdamin
Katawang hindi magmaliw sa kalungkutan

Isa lang nais sabihin, ikaw pa rin
Miss na miss na iyong tinig
Hanap iyong mapang-asar na himig
At nais mayakap at mahagkan ng malapitan

Kung nasaan man ang puso mo
Kung sino man kasama mo
At kung sino ka man ngayon
At kung sino man ang mahal mo ngayon

Sana masaya ka kahit malungkot ako
Sana nakangiti ka pa rin kasama siya
Sana okay na okay ka at mahalaga sa kaniya
Sana nahanap mo na ang tamang tao at siya na

Be careful and be happy
Be positive and optimistic
I love you and thank you for everything
I miss you and still safe as always

Okay lang ako
Kaya-kayang ko
Malakas ako at kakayanin ko
Okay na okay ako kahit masakit ang puso ko

Matapang ako kahit mahina ang puso ko
Positibo ako kahit nagdadalamhati ako
Maghihintay ako kahit masakit at mahirap
Palagi mong isipin na basta okay ka, kaya pa.

Where the Poetry Go? Beauty Of Universe Create New Beginnings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon