Chapter 6: Binata't dalaga

253 136 0
                                    

Damhin ang saya’t pag-ibig,
dalawang taong nagmahalan
‘Pagkat binata’t dalaga’y, nagkita ng tuluyan
Pag-iibigang nag-uumapaw, sa tunay na kagalakan—tila baga’y walang katapusan

Ngiting ‘di mabilang,
tunay kay gandang pagmasdan
‘Pagkat damdaming walang makapipigil,
ni bagyo’t delubyo man lamang
‘Pagkat damdaming nilang umusbong,
tila bakal ng gusaling pangbakbakan

Ngunit batid nating lahat, umaga't gabi'y nagtatapos din
Araw sa silanganan, lumulubog din sa kanluran
Ula’t bagyo'y, humuhupa rin pagdating ng tag-araw
Kaya’t maging pag-iibigan nila’y,
tuluyang nanlamig din

Gaya sa kuwentong akda,
dumadating sa huling kabanata
Kaya maging bida’y napagod, nagbigay huling kataga
Senaryong paulit-ulit, nakasasakal, nakakawalang-ganang lubusan,
kaya magulong usapan, kailangan ng wakasan

Pusong puno nang sama ng loob,
natutong bumitaw at magparaya
Kaya sa huling tagpo nila’y,
pag-ibig winakasan ding mainam
Tao’y hindi bato, ‘pagkat nasasaktan—
nagmumukhang-tangang lubusan
Sa labis na pagtangis, mata’y namagang tuluyan

Unan na kay lambot, tila baga’y naging basahan,
sa raming luhang sinala, nagmula sa naninikit niyang kagandahan
Matangos na ilong, naging kayumangging-pula,
‘pagkat malapot na likido, ‘di na mapigilan pa
Patuloy na umaagos, tila lagaslas ng karagatan,
sa matayog na kagubatan, nagbibigay kahulugan
Upang malaman, dalaga’y nasasaktan sa kalungkutan—sa gitnang kagubatan, puno ng katahimikan

Kaya  tadhana’y sumuko na,
dalawang tao’y naghiwalay na
Talastasan nila’y wala nang halaga pa, 
‘pagkat pag-unawa’y tuluyang naglaho na
Mas mainam nang gano’n, kaysa ipagsiksikang ayusin pa,
‘pagkat ‘di na batid, patutunguhan ng damdamin pa
Kaya salitang namutawi, atin nang tapusin pa
‘pagkat ‘di na tayo pa, nakalaan sa susunod na kabanata

Pinagtagpo noon,
pinaghiwalay rin sa takdang panahon
Kaya dalawang tao’y wala nang makatwiran pa,
kundi bumitaw, sa masakit na nakaraan
Pangarap na binuo, naging mala-palasyong buhangin
Kaya huling panambitan nila’y,
paalam na sa ating kastiloñg buhangin.

Where the Poetry Go? Beauty Of Universe Create New Beginnings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon