A/P 1: IKAW

496 148 17
                                    

Mahal ko, mahal na mahal kita, Ikaw
Lagi mang isambit pangalan mo, ikaw
Ngunit sa puso'y ayaw pa rin bumitaw
Lagi man umiyak dahil sa 'yo, Ikaw
Marami man dahilan para umayaw,
Nananatili pa rin mahal ko, Ikaw.

Ilang ulit man magmakaawa sa 'yo
Ilang beses man tumangis dahil sa 'yo
Ilang iyak man ang ibigay ko sa 'yo
Ilang pakiusap man ang gawin sa 'yo
Ilang ulit man masaktan dahil sa 'yo
Ikaw at ikaw pa rin ninanais ko.

Pakiusap lang sa 'yo aking, Ginoo
Sana'y manatili pa rin sa tabi ko
Dahil ikaw pa rin ang iniisip ko
Kahit masakit man na hindi na ako,
Gusto mong makasama mo sa tabi mo,
At maging isang huling mamahalin mo.

Palagi mang tanong, "Bakit mahal kita?"
Paulit-ulit mang isigaw, "Tama na"
Pero, walang magawa kundi lumuha,
Kahit sabihing ako'y nakalimot na
Puso'y panambitan, "Mahal pa rin kita"
Kahit wala ka nang pakialam tuwina.

Dalaga’y saan pa dadalhin ng hangin
Kung pagmamahal pa niya gustong makamit
Babalik at babalik pa rin sa kaniya,
Kasama ang salitang mahal pa kita
Kahit ayaw mo na sa akin tuwina,
Pag-aari na ng ibang sinisinta.

Ngunit kung paglipas ng panahon, Ikaw
Mananatili pa rin salitang, Ikaw
Nawa'y pagtagpuin puso natin, Ikaw
Kasabay ang salitang tayo pa pala,
Tinadhana sa tamang panahon, Sinta
Pagkat laging panalangin sa maykapal,

Nawa'y puso at isip natin magtagpo,
Upang pusong nawalan ng saysay, Ikaw
Manatiling maibalik pa sa akin,
Kasama ang salitang buo na ulit,
Puso kong napuno ng lumbay, sinta
Na walang ibang minahal kundi ikaw.

Where the Poetry Go? Beauty Of Universe Create New Beginnings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon