Chapter 16

2.1K 43 8
                                    

Paggising ko ay ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko sa sakit.

Kahit masakit ang ulo ko ay agad akong napabangon ng maalalang may klase ako.

Wala ako sa kwarto ko.

Hinanap ko agad ang purse ko saka kinuha ang cellphone ko. 10 am na. I'm so fucking late! Absent na ako, hindi na late lang.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, wala ang may ari ng kwarto. Binagsak ko ulit ang katawan ko sa kama nang kumirot na naman ang ulo ko. Argh!

Narinig kong bumukas ang pinto pero pinanatili ko ang pagkakapikit ng mata ko. Ah! My head!

" Love? Are you awake?"

" No. " paos kong sagot.

" Oh! My lovely wife is sleep talking huh?" ani Gov nang may pang aasar ang boses.

" Wife your ass."

Tumawa siya, naramdaman ko ang paglapit niya kaya binuksan ko ang mga mata ko. Nakadungaw siya sa'kin habang nakangiti na parang nakakatawa ang itsura ko.

" Ang ganda mo love."

Pakiramdam ko ay natuod ako sa kinahihigaan ko. Ang tibok ng puso ko ay biglang hindi naging normal. Pumikit ako nang mariin para matago ang emosyong pinapakita ng mga mata ko.

Shit! Delikado ka na Salisha.

Tumikhim ako. " Why you d-didn't wake me up? I h-have a class, gov." pag iiba ko ng topic, nakapikit pa rin ang mga mata ko dahil ramdam ko pa rin siya sa tabi ko.

" I already called your principal love. How's your head? Is it hurt so bad? " sabi ni Gov bago hawakan ang likod ng ulo ko saka ako itinayo.

Agad akong napangiwi nang makaramdam ng hilo at kirot sa ulo ko. Mabilis din niya akong inalalayan para makaupo ng maayos. Pagkaupo ko ay sinapo ko agad ang ulo dahil parang napakabigat nito.

He chuckled. " Want more?" sabi niya na parang nag aasar. Pinagkunotan ko siya ng noo dahil hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. " Next time, if you want to be wasted, call me. Only me! Don't you dare asking a guy for a hug again. That guy should be thankful, i didn't bring my gun, eh? "

Tinignan ko siya ng matalim, nakangisi niya akong niyakap pero nanatili pa rin ang matalim kong tingin.

" How are you, love?"

Mabilis nawala ang ekspresyon ng mukha ko nang marinig ang malambing niyang boses. Binalot na naman ng lungkot ang puso ko. Hindi ko namalayan na nakasandal na ang ulo ko sa dibdib niya.

He's rubbing the back of my head gently. Mabilis niya akong tiningala sa kaniya nang marinig niyang umingay bigla ang paghinga ko. Ngumuso ako para pigilan ang luha saka nag iwas ng tingin.

" Aw! My baby. "

Lalo akong ngumuso. Bago pa ako tuluyang umiyak, humiwalay na ako sa yakap niya. Nilingon ko ang tray na dala niya na may lamang pagkain. Biglang kumalam ang tiyan ko kaya napahawak ako dito.

Wait. Blue ang suot kong sleepwear kagabi. Bakit pink 'to?

" Did you change my clothes?"

Uminit ang magkabilang pisngi ko nang makita ang isang nakakalokong ngisi sa itsura niya. No, no! Fucking no!

" D-don't tell m-"

" Don't worry love. I won't touch you without your consent."

Kahit ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko ay nagawa ko siyang pagtaasan ng kilay.

The Governor's Obsession ( ON HOLD )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang