Chapter 28

1.6K 37 10
                                    

Ilang na ilang ako sa pag galaw habang nag huhugas ng mga plato. Naiinis ako dahil kanina pa ako pina panood ni Achlys maghugas ng plato na parang binabantayan ako. Nakatingin ako sa mga plato pero nakikiramdam ako sa kaniya. Kahit anong dedma ko sa kanya, hindi ko maiwasang ma-conscious sa panonood niya.

Kaya nang maramdaman ko ang pagkilos niya, bigla akong nataranta kaya nadulas sa kamay ko ang binabanlawan kong baso na siyang ikinabasag nito. Mas lalo akong nagpanic nang maramdaman ko ang paglapit niya sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya wala sa sarili kong pinulot ang mga nagkalat na bubog.

" Bob, don't touch it." pigil ni Achlys tsaka ako itinayo.

Marahas ko naman'g binawi ang kamay ko tsaka matalim siyang tinignan.

" Ikaw kasi, e. Ba't ka kasi nanonood diyan? Hindi mo ba alam na nakaka-ilang 'yong ginagawa mo?"

Natigilan siya. Bumakas ang gulat sa mukha niya habang nakaawang ang bibig niya. Nakatingin sa'kin na parang hindi makapaniwala.

" Y-you know how to speak Tagalog? "

Ako naman ang natigilan ngayon. Nagpanic ako saka nag iwas nang tingin. Muli kong niyuko ang mga bubog saka dali-daling pinulot ang mga malalaking parte, nang may pag iingat pa rin.

Hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa paglilinis ng kalat ko. Naramdaman ko siya na pilit akong itinatayo pero nagmatigas pa rin ako.

" Salisha, stop it." matigas niyang sabi. Inilayo niya ako sa kalat saka kinuha ang mga bubog na nasa kamay ko. Siya na ang nagtapon nang mga iyon at siya na rin ang nagtapos nang kalat at hinuhugasan ko.

Habang ginagawa niya iyon ay pumunta ako sa kwarto ko para pakalmahin ang sarili ko. Nanginginig ang kamay ko sa kaba dahil pakiramdam ko, mabubuking ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko, dali-dali kong dinial ang number ni Henrick para ma-divert sa iba ang atensyon ko. Matapos ng mahigit dalawang minutong pag uusap, naisipan ko na rin na lumabas.

Gusto ko pang kurutin ang sarili ko dahil hindi ko napigilan ang inis ko. Sana pala ay nagpigil na lang ako at hindi na siya sinungitan.

Pumikit ako nang mariin saka pinakalma ang sarili ko nang ilang minuto. Paglabas ko ay naabutan ko siya na nakasandal sa counter ng kusina. Nakatayo siya habang nakasandal. Ang isang kamay niya ay naglalaro sa labi niya habang ang isa ay sumu-suporta sa isang kamay pa. Nakatulala siya sa kawalan na parang may malalim na iniisip.

Humugot ako nang maraming hangin saka dahan-dahan'g binuga iyon bago lumapit sa kaniya. Mukhang sobrang lalim nang iniisip niya dahil hindi pa rin siya gumagalaw kahit malapit na ako sa kaniya.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya, agad ko namang nakuha ang pakay ko. Diretso siyang tumayo saka hinarap ako.

" You know how to speak Tagalog?"
ulit niya na parang walang nangyari. Nakakunot ang noo niya at bakas sa itsura niya ang pagtataka.

I nodded. " I have a Filipina friend and she always teaching me some Tagalog words." I said with a calm voice.  Pinag krus ko pa ang braso ko sa tapat nang dibdib ko na parang inip na inip.

" But you fluently said those like you're a Filipina." nagtataka'ng tanong niya pa, lalong nagsalubong ang kaniyang makapal na kilay.

Tahimik akong napraning sa sinabi niya. " She used to talk to me with Tagalog words so I adopted it on my own. I learned how to speak Tagalog and to speak like I'm a pro with that language that's why. "

" You learnt it that fast? 2 years? "

" Excuse me? I'm a fast learner, Sir." mataray kong sabi. I feel like he insulted me. I'm offended, dude.

The Governor's Obsession ( SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon