Chapter 18

1.9K 52 24
                                    

" G-graduation mo na sa Monday. Anong gusto mong g-gift?" tanong ni daddy habang nagdi-dinner kami.

After that dramatic incident, gumaan ang loob ko kahit papaano pero hindi pa rin mawawala lahat ng tampo at sama ng loob.

My relationship with Achlys went smoothly after that night. Minsan ay sinusundo niya ako sa bahay ng gabi para sa bahay niya matulog. Natawa pa ako kung paano siya magpaalam kay daddy.

" I'm here to fetch your daughter Salisha. She will sleep in my house tonight."

Parang batas siya kung magpaalam. Kahit labag sa loob ay pumayag si daddy, ayaw na raw kasi niya akong pagbawalan sa mga gusto ko. Si Tita ang ayaw akong payagan pero hindi ko na kailangan ng opinyon niya o pagpayag niya. Sapat na ang mahigit dalawang dekada niyang pagde-desisyon para sa'kin.

" Ticket to Japan." I answered plainly.

The day after the dramatic scene, I asked daddy where is my mom's grave. He said they lived in Sapporo Japan when mom gave birth to me.

I want to visit her at least. I already saw her face in picture, dad showed it to me and she's really look like me. My mom, Tita Zynexia, and me, are really look a like. No wonder bakit kamukha ko si Tita, kambal niya pala si mommy. But one question left in my head.

Did my mom and tita Zynexia fell inlove with one guy?

I want to ask dad about that but maybe other time will do. I think my brain can't accept another information about past right now.

Tumikhim si daddy kaya tinignan ko siya. Mabilis ko rin binalik ang paningin ko sa plato ko nang makita ang pagtutol sa mukha niya.

" Mag aano ka ro'n?" masungit na tanong ni Tita.

Hindi agad ako sumagot. Huminga ako ng malalim para magpigil dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya.

" If hindi po obvious .." pandidiin ko. " I'll visit my mom. My.... Real mom." seryoso kong sabi habang nakikipag-labanan ng tingin sa kaniya.

Dahil sa ginagawa niya ay unti-unti akong nawawalan ng respeto sa kaniya.

" Sa lawak ng sementeryo ro'n, sa tingin mo mahahanap mo 'yon?" tumaas ng kaunti ang boses niya kaya napasinghap ako.

" Maka 'yon' ka naman po, parang hindi mo kambal." mapanuya kong sabi na siyang nakapag patigil sa kaniya.

" Salisha." suway ni daddy. Inosente ko lang siyang nilingon.

What? I didn't do anything, dad.

" I can't give that, iba na lang."

Saglit akong natigilan sa sinabi ni daddy. Tumango-tango ako habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.

" Okay."

Umalis na 'ko roon matapos kong sabihin 'yon. Narinig ko pa ang sinabi ni ate Sy na ' napakabastos talaga'.

Pagpasok ko sa room ay dumiretso ako sa cabinet ko at hinanap ang bagay na matagal ko nang pinag handaan.

Kinuha ko ang kahon na nasa pinaka ilalim ng cabinet. Sinimulan kong mag ipon nang malaman ko na hindi ako anak ni tita Synexia. Sagot naman ni Achlys ang pagkain ko kaya wala naman akong gaanong pinag-gagastusan.

Wait for me, mom.

Napatingin ako sa laptop kong nakabukas nang mag ring ito.

Gob is calling...

Tinago ko ulit ang mga perang naipon ko bago sagutin ang tawag niya. Bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha. Malaki ang ngiti niyang kumaway sa'kin. Kumaway naman ako pabalik bago kinuha ang laptop saka sumampa sa kama.

The Governor's Obsession ( ON HOLD )Where stories live. Discover now