TREILEA

37 3 0
                                    

TREILEA

ANIKA

DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng hilo. Nang tuluyang imulat ang mata ko ay iginala ko ang paningin para malaman kung nasaang lugar ko.

Nang makita ang lugar, bumuntong hininga nalang ako nang makita kong nasa ibang dimensyon ako.

Parang nakahinga naman ako ng maluwag, dahil ang oras sa ibang dimensyon ay hindi tugma sa oras ng mundo ko.

Imbis na sumigaw ay sumandal nalang ako sa upuan kung saan nakagapos ako, at bahagyang nakabusal ang bibig ko ng isang tela.

Tinamad na yata sila dahil hindi na sila nag-aksaya ng oras para itali ang paa ko.

Nasa isang kakaibang kwarto ako. Isang lumang kwarto na.Malakas ang dating. Parang mayaman ang tumira dito. Iginala ko ang tingin sa gilid, nagbabakasakali na makahanap ng matalim na bagay, pero wala akong mahanap.

Ni kaba ay hindi ko naramdaman. Nakahinga ako ng maluwag dahil makakatakas nanaman ako sa school work ko, makakatakas nanaman ako sa responsibilidad ko sa bahay.

Ang isang minuto ay katumbas ng isang araw sa ibang dimensyon. Ewan ko nalang dito, sana naman matagal.

Hihintayin ko nalang siguro ang kumidnap saakin.

Makalipas ng ilang oras, ay nakarinig ako ng yabag sa ilabas. Napatitig ako sa pinto at nang bumukas iyon.

Nanindig ang balahibo ko sa nakita.

Sunod-sunod akong napalunok!!!

Gwapings!!!!

Kinalma ko ang sarili ko. Sumigaw ako sa isipan ko para ilabas ang nararamdaman ko para hindi naman mawirduhan saakin ang lalaki. Ang suot niya ay pormal pero kakaiba. Masasabi kong isa siya sa marangyang pamilya sa mundong ito.

Hindi naman siya masama feeling ko.

Lumapit siya saakin saka umupo sa bakanteng upuan at tinitigan ako.

Agad kong iniwas ang tingin.

Nalakatunaw!!

"So you're awake"

Hindi ko naman siya nilingon.

At hindi ko siya sinagot.

Bat ba kasi ako nandito?

"You might be wondering why are you here," pinagkrus ng lalaki ang hita. "Do you know what power you possess?"

Nilingon ko siya.

Ngumisi siya. "I always wonder what you taste like,"

Binabawi ko na pala yung sinabi ko.

Di siya nice.

Nang makita ko ang pangil na lumabas sa ngipin niya ay kinabahan ako.

Hindi ko naman alam na kampon pala to ni satanas.

"What do you taste like? Huh?"

Aba ewan ko sayo!

Bat di mo gawin tanga

Nang tumayo siya ay napalunok ako at bahagyang umatras.

Huhu peste.

Nakita ko ang hawak niyang kutsilyo kaya naman ay umatras ako. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nakatali ang katawan ko!

Kinapa ko ang singsing ngunit natigilan ako nang maramdamang wala iyon!

"Looking for this?"

SUBCONSCIOUS UNIVERSE OF FANTASM (Guardian Series #1)Where stories live. Discover now