CHAPTER 3

26 0 1
                                    

CHAPTER 3

🍂

A N I K A

"Sir Martin" kaagad na tawag ko sa pangalan niya dahilan para mapalingon siya saakin.

Awtomatiko akong napangiti nang ngumiti siya.

Ngunit nangunot ang noo niya at napatitig saakin.

"You okay? You look pale?"

Natigilan ako "H-Ha?"

"Let me check"

Naatras ko ang katawan nang itapat niya ang likod ng kamay niya sa noo ko.

"You're sick" kaagad na nabasa ko ang pag-aalala sa mukha niua. "You sure you're alright?"

"Oo naman po" ngumiti ako. "Sinat lang ho yan," nag-iwas ako ng tingin. "E-Eto pala sir, tapos ko na ho pala yung pinapagawa niyo saakin"

Napatitig siya roon saka inanagat ang tingin saakin. "go home Anika-"

"No I can manage sir" nakangiting wika ko. "Malayo sa bituka to, kayang kaya ko naman"

"I'm serious Anika, go home"

Umiling-iling ako. "Binigay ko po talaga sayo yan hehe, saka diba ngayon due niyan? Napakamot ako sa ulo. "Besides, Sir, I can manage. Really" malamyang wika ko, nakita ko namang nawala ang pagsasalubong nf kilay niya. "Go na!" pagtaboy ko sakanya, ngumuso naman siya kaya natawa ako. "Sige, magagalit na kliyente mo"

"Oh, Shoot! I have to go"

Napailing ako saka natawa. "Thank you for this Anika!"

Napatango ako sakanya. Hindi ko aakalaing magmula ng araw na iyon hanggang sa dalawang buwan nang nakalipas ay magiging malapit kami ni Sir Martin. Ngayon ay nalinawan na ako sa nararamdaman ko sakanya. Nalinawan na ako na hanggang kaibigan lang kami at yon ang totoo.

Natanggap na rin niya na hanggang dun lang kami at tinuldukan ko na ang nararamdaman niya saakin. Alam kong nasaktan siya pero anong magagawa niya kung hanggang kaibigan lang ang tingin ko sakanya?

Alam kong dinamdam niya, isang linggo kaming hindi nagpansinan. Pero nagulat nalang ako nang pagkatapos non ay nakatanggap ako ng paborito kong pagkain. Nakakatuwa dahil may note pang nakalagay.

Simpleng bagay pero napakalaking impact saakin.

Simula noon ay magkaibigan na talaga kami. Showy kang siya pero nasasapak ko naman kaya okay na ako don.

Pero di pa rin maiiwasan ang mapanghusgang tingin ng ilan lalo na si Delta, Omicron at Corona.

Pake ko naman sakanila.

PAGKARATING KO sa company ay napatigil ako nang makarinig kaagad ako ng bulungan sa loob.

"Hala Grabe huhu, san na kaya yun?"

"Narinig mo daw? Sakanya ata yung kotse na maganda! Huwaa!!"

Nangunot naman ang noo ko saka pasimpleng nilapitan si Merry na nakaupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUBCONSCIOUS UNIVERSE OF FANTASM (Guardian Series #1)Where stories live. Discover now