EPISODE #3 - Batch 01

2 0 0
                                    

Natalie's P.O.V

"MS. Natalie, saan ka ha galing?! Malapit na ang uwian oh! Bakit ngayon ka lang?"

Iyan ang bungad sa akin ni Sir Demon pagkapasok ko nh room.

Well, nakipaghabulan lang naman ako kay Kamatayan.

"Sir, wala na po ang gate ng unibersidad...  Nakakulong na tayo dito.. " sabi ko.

Hindi ko na makakasama sina Mommy at Daddy.

"Huh?"

"Anong sinasabi mo, Natalie?"

"Wengya, ano ito? Hell University? Kaka-wattpad mo 'yan!"

Iyan ang mga reactions nila.

"Totoo ang mga sinasabi ko!!  Si Sir Dean ang pumapatay... Kitang kita ko kung paano niya wakwakin ang katawan ni Ms.  Mendez"

Maniwala naman kayo...

"Ayan! Nood pa ng 'Wrong Turn" pang-aasar naman ni Tonio. Isa sa mga pabida sa section na ito.

"Ms. Natalie, wag kang mag-iimbento. Kung may galit ka sa adviser ninyo direktahin mo"

Huhunes...

"Sir, kaka-Wrobg Turn niya 'yan" sabi ulit ni Tonio.

"KUNG AYAW NIYONG MANIWALA E DI WAG NIYO!!  PUPUNTAHAN KO SI SIR WILLIAM.. "

Tumakbo ako palabas  ng room para hanapin si sir William...

***

William's P.O.V

KRIIIING!"

Tumunog na ang bell, senyales na uwian na ng lahat.

Hayst, sa wakas ay makakauwi na din! Nakakapagod ang buong araw.

Noon ay nagpalahas na ako ng mga estudyante.

Kasabay ng paglabas nila ay ang biglaan namang pagpasok ni Natalie.

"Sir William! Sir!"

Halata agad sa boses niya ang pagkataranta.

“What Nathie?”

Bakit humahangos ito?

"S-Sir William, s-si Sir Dean... Si Sir Dean po yung p-pumapatay. Siya po ang pumatay kay Jendel"

Halos maiyak-iyak siya habang sinasabi yun.

"Kanina, sa Science Lab, kitang-kita ko po kung paano niya biniktima si Ms. Mendez"

What!

O... Ow, she's not joking.

Mayamaya ay nakita ko sina Sherlyn, Francis, Ariel at Cristopher...

"Sir, w-walang gate! Pader na lang ang nakita namin. Anong nangyari? Bakit nawala? Paano tayo makakalabas nyan?"

It's Sherlyn.

“Dito lang kayo sa class ko... Nathie and Ariel puntahan niyo si Ms. Mendoza sabihin niyo lahat ng class niya dalhin dito sa area ko.. May kakausapin lang ako”

Sinasabi ko na nga ba, Undertaker!

"Sige po..."

*.*

KAAGAD na lumabas ako at nanlumo ako sa pagkakagulo. Both college and highschool, sa iisang lugar nagkukumpulan. Wala nang gate doon, pader na lang ang makikita mo.

Shit!

Halos lahat makikitaan ng pagtataka at pagkataranta.

“Undertaker!!”

(13) ALL OF US ARE DEAD SERIES ( UNDERTAKER VERSION ) - CompletedWhere stories live. Discover now