EPISODE #8 - Batch 02

2 1 0
                                    

Beauty's P.O.V

THE day passed...

Naging okay namab ang lahat. Walang nang-bully sa akin at may naging bestfriend pa nga ako dito.

She's Romina, ang secretary ng section namin.

Bale ako, si Romina, Philip, Phenom at Lenzy ang magkakasama palagi sa canteen.

Sa mga araw na nagdaan ay close na agad kami. Para hang ang tagak na naming magkakakilala.

"Guys, may itatanong ako..." Sabi ko sa kanila.

"Oo nga ano ba tanong mo?" Tanong sa akin ni Romina.

"Bakit kaya sinasabi nila na bawal daw dumaan doon samay malapit sa Science Lab? Hinarangan pa nga e" sabi ko.

"Ang pagkakaalam ko bawal talaga kase may nangyari noon.. Yon ang pagkakaalam ko" sagot naman ni Romina.

"At nangyari talaga yun noon. Hindi lang basta kwento-kwento yun" sabi naman ni Phenom.

"Beauty may sasabihin ako sayo hihi" sabi niya.

"Ano yun?"

Lumapit naman sa akin si Romina at bahagyang nilapit ang tainga sa mukga ko...

"Gusto mo puntahan natin ang science lab at tignan ang nasa loob.." sabi niya.

Tumango naman ako...

"Sige"

Pabulong naman iyon at kapwa kami tumayo...

"Oh, saan lakad niyo?"

It',s Philip...

"CR lang kami. Natatae ako e" eayot ko naman.

"Bilisan niyo lang, ah! Baka may kalokohan pa kayong gawin" seryoso namang sabi nito.

"Gagi! Wala ah haha... Tara masakit tyan ko.. " sabi niya.

So, naglakad na kami...

At nagtungo na nga kami sa hallway, doon sa papuntang Science Lab.

" Babala:Bawal dumaan at pumasok "

Iyan ang nakasulat sa karatula na nasa harang.

"Bakit kaya ano? Tara pasukin natin.. " sabi niya.

Kaya naman walang pag-aalinlangan naming nilusutan yung harang. May katangahan lang din itong tropa ko kasi nautog pa siya doon samay harang.

Wengya!

Pigil-tawa tuloy ako nang kapwa kami makapasok doon samay harang at sa ngayon, nasa tapat na kami ng pintuan ng Science Lab.

"Tara ano kayang meron dyan.."

***

Romina's P.O.V

PAGTATAKA, iyan ang nararamdaman ko habang pinipihit ang doorknob ng pinto. Hindi naman ito nakakandado.

Ano kayang meron sa loob? Bakit bawal pumasok?

Mayamaya ay nabuksan na din namin ang pinto at walang pasabing pumasok.

Lamig agad ng aircon at katahimikan ang bumungad sa amin.

"Oh! Ang ganda pala dito eh. Bakit di nila tayo pinapapasok dito?" Sabi ni Beauty.

Isa lang itong normal na Science Lab. Maganda, malawak at naka-aircon pa nga. Bukas lahat ng ilaw at balot mg kurtina bawat bintana.

"Anong meron kaya dito ano... Tara libutin natin" sabi ko.

So, nilibot na nga namin hanggang sa may isang kama ang makaagaw ng atensiyon namin. Bale dito iyon sa loob ng isa sa mga kwarto dito.

"Hala... Sino yun?" Sabi ni Beauty.

"Bangkay 'ata 'yan eh... Tara lapitan natin.. "

So, nilapitan na nga namin ni Beauty ang nakahigang bangkay ng tao..

Ang tanong, bakit may bangkay dito?

"Hala... Bat may bangkay diyan? At tsaka... Amazing, huh? Hindi pa siya naaagnas!" Sabi niya.

Oo nga, tignan mo ang ganda ng necklace niya pabilog tapos parang nawawala yung key necklace nya anoh.. "

Hinawakan ko ang necklace at kinuha iyon sa leeg niya..

"Ganda nito.. " sabi ko.

"Bhe, tingnan mo naman Itong isa oh! Parang lalagyanan ng jewellry" sabi niya.

Kinuha din niya yun sa leeg nito tapos sabay naming sinuot at nagkatawanan pa kami...

"Hoy! Bagay ba sa akin?" Tanong niya.

"Oo Te, lalo kang nagmukhang babae diyan hahaha" sabi niya.

Wengya!

"Gagi! Tara na baka hanapin tayo.. "

So, lumabas na kami ni Beauty habang nagkatawanan...

* END OF EPISODE #8 *

(13) ALL OF US ARE DEAD SERIES ( UNDERTAKER VERSION ) - CompletedWhere stories live. Discover now