EPISODE #5 - Batch 01

6 1 0
                                    

Mirasol's P.O.V

"PAPA, tama na!"

Bagama't duguan ay nagawa ko pa rin siyang akapin. Naiiyak na ako. Miss ko na yung dating siya, e. Nagbago siya noong mawala na lang bigla ajg Mommy. Hindi namim tiyak kung buhay ba ito o ano.

"BITAWAN MO AKO!!  HAHANAPIN KO ANG MOMMY NIYO" sabi niya.

"T-tama na please! Wag mong idamay ang iba! P-para mo na ring mga anak ang mga nandito" sabi ko na halos magmakaawa na.

"HANGGA'T HINDI BUMABALIK ANG MOMMY NYO MAGIGING DELUBYO ANG UNIBERSIDAD NA ITO... "

Pagkasabi niya bu'n ay tinabig niya ang kamay ko at walang pasabing umalis sa harapan ko.

"P-Papa ko..."

Shit!

Na-mi-miss ka na bamin, Pa. At kung nangyari man yung nakasaad sa sulat ni Mommy noon, malamang, miss ka na ng puso niya kahit nawala tayo sa ala-ala niya.

***

William's P.O.V

"SALAMAT dito, ah? Buti maraming stocks sa canteen"

Iyan ang sabi ni Catherine. Bale kakabalik lang namin galing sa H.E Lab.

Maraming pancit  canton ang kinuha namin. Kahit iyon na lang, pagkain sin iyon.

"Kailangan eh...  O heto may kinuha pa kami... "

Jusko naman hindi namin mapigilan si Undertaker

"Sir, ano bang nangyayari sa Dean natin? Bakit ganu'n? Babae lang naman 'yon, ah! Ang dami pa diyan oh. Bat kailangan pang may madamay?"

It's Sherlyn...

"Asawa niya yon...  May bata pa sa sinapupunan niya.. " sagot ko naman.

"E... A-ano po bang nangyari?  Naghiwalay ba sila? At... Bakit niya ginagawa ito? Marami siyang napipinsala" sabi naman ni Natalie.

"Hindi sila naghiwalay...  Nawalan ng ala ala si Zy,  at hanggang ngayon hinahanap parin namin siya..  Kapag nawalan si Undertaker ay talagang magkakaroon ng delubyo.. "

Nasaksihan ko na 'yon noon.

"Jusko po William... Ano? Hahayaan na lang natin na ganito? William, may panilya na naghihintay sa mga bata" sabi naman ni Catherine na palaging balisa.

Ngapala, si Catherine ang babaing nagugustuhan ko pero di ko pa masabi.

"It's okay, hindi ko hahayaan na malapitan kayo.. "

Lalo ka na...

"$ir, Ma'am, na-si-CR po ako" sabi ng isa sa mga estudyante mula sa section ko.

Jusko

"Sasamahan kita... " Sabi ko.

"Sige po" sabi niya.

Noon ay naglakad kami palabas. Bale kasama ko si Shanaya, isa sa nga estudyante ko.

Napakatahimik sa hallway. Nakakakaba ang katahimikan.

"Bilisan mo,  ah. "

Jusko baka maaabutan kami

"Opo"

Pumasok ito sa CR habang ako ay nakaabang lang dito sa labas. Nakaabang habang nakikiramdam.

Nasaan ba kase si Zy?!

Ilang taon na din ng maglaho na parang bula ang isang iyon.

Jusko...

Paano ba namin mapipigilan ito?

(13) ALL OF US ARE DEAD SERIES ( UNDERTAKER VERSION ) - CompletedWhere stories live. Discover now