Chapter 8

2 1 0
                                    

ALTHEA'S POV:

Nandito ngayon si Feb sa bahay namin tumatambay, hindi muna kasi ako pinalabas ni Davidson kasi medto maselan ang pagbubuntis ko. Kaya instead na pumunta kami sa nakasanayan naming pasyalan, pumunta nalang si Feb dito.

Pinigilan ko naman syang pumunta dito kasi baka ma bored lang sya pero sabi nya may importante daw syang sasabihin kaya pinayagan ko nalang.

When he arrived he looks like someone who didn't took a bath for a long time. Sabog ang buhok nya at mapapansin narin ang kanyang bigote, napakahaggard nyang tingnan at nakakaawang pag masdan, kaya ng makita ni David si Feb ay sinabihan ako na samahan ko na lang muna sya Kasi baka daw may dinadala syang problema.

Halos sampung minuto na kaming magkaharap ng upuan pero hindi parin sya nagsasalita. Akmang tatayo ako para kunan sana sya ng maiinom nang magsalita sya.

"I saw her." Sabi nya. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino ang tinutukoy nya.

It's her Ex. Crescent Crysha Perez. The girl who gave him nightmares for a year. The girl who broke my best friend's heart, and who changed his perspective in love.

Febrylle may had girlfriends after her but he never took them seriously, more like they just became his passing time.

"Kailan mo sya nakita?" Tanong ko sa kanya.

Huminga muna sya ng malalim bago sya sumagot. "Nung Fiesta sa syudad, pagkatapos ang misa ay nakita ko sya."

"At?" Maikli kong tanong.

"What do you mean?"

"I mean, then what? Nakita mo nga sya. What happens next?" Sabi ko.

"Yun lang." Maikling tanong nya pero parang meron talaga eh. I know when there's something.

"You know what. Kung yun lang talaga eh bakit ganyan ang itsura mo? Kung yun lang  eh bakit ganyan ang nangyari sayo? Kung yan la---" he cut my words.

"She's with someone! She has a boyfriend Thea! I mean I already know a few months ago kasi pina imbestiga ko ang pangalan na nasa bio nya. But hayyystt she has a boyfriend." Sabi nya. Ahh kaya pala. He's jealous maybe.

"So? Ahmm you jealous or something?" Sabi ko.

"Yes-- no I mean yes argh! I don't know what to feel anymore. Andaming pumapasok na mga katanungan sa isipan ko like, ano bang meron sa lalaking yun at naging sila? Mas gwapo naman ako keysa sa kanya, mas malaki ang katawan ko ehh ang payat nun. Palibhasa puro livestream lang ang nalalaman pfftt. Maybe mas mapera yun keysa sa akin but I can easily surpass him in terms of wealth if I want to." Pag-aalboroto nya na ikina-iling ko naman. Hayyystt.

"Alam mo bes. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa pisikal o pinansyal. Nasa puso yan kung mas pipiliin mong magmahal sa isang tao. Kagaya mo. Sinaktan ka nya, iniwan ka nya, heck may bago pa sya pero tingnan mo, mas pinili mo pa rin syang mahalin." Sabi ko.

"Pfft. Well may punto ka naman, and no! Hindi ko sya mahal!" Tanggi nya.

"Asusss deny ka pa. Kung wala ka ngang naramdaman sa kanya, eh bakit ganyan ka umakto? Bakit naaapektohan ka pa rin?" Sabi ko sa kanya.

"Okay! I admit it. May nararamdaman nga ako pero how can you say that it's freaking L.O.V.E love!?" Sabi nya dini-deny parin.

"Okay kung hindi mo nga mahal....hmmm imagine them kissing?" Sabi ko pero kunwari syang walang reaction pero kitang-kita sa mata nya. Kaya naman dinagdagan ko pa.

"Imagine them making love everyday and every night from dawn till dusk?"

Tiningnan ko sya. Walang emotion ang mukha nya pero kitang-kita ang pag kuyom ng kamao nya at pagtagis ng kanyang bagang. Tigas mo ahh. Sige I'll add fuel to the fire.

"Imagine them having kids and being together till the day God separate them?" Tumigil ang pagkuyom ng kanyang kamao at pagtagis ng kanyang bagang na ikinalito ko, pero di nagtagal isang butil ng luha ang dumaloy sa mga mata nya.

Ohh my! I think I went to far hihi.

Napabuntong hininga nalang ako atsaka tumayo para bigyan sya ng tubig.

"Oh ito pampatulak." Sabi ko.  Kaagad naman nyang tinanggap yun.

"Wala ba kayong ala-"

"Pwehh wag kang maglasing sa pamamahay ko. Tubig lang yan okay kana." Sabi ko pa.

He just grunted and drank. Nang makainom sya ng tubig ay kinuha ko ang baso at inilagay ko sa lababo.

Umupo ako sa harapan yan at seryosong tumingin sa kanya. "All jokes aside, what's your plan?" Tanong ko sa kanya. Pumikit sya at yumuko. It took him a few seconds to answer my question.

"I don't know. I have no idea what to do Thea. Sa totoo lang, takot ako, I'm scared of what might happen to me. Ayoko nang bumalik sa dating ako, ayoko nang maramdaman ang pagdurusang nadaanan ko. That was traumatising. But I'm afraid it's happening again, all that overthinking, all of that pain. Unti-unting bumabalik lahat." Malungkot na sabi. I felt bad for him, at wala akong maisip kung ano ang magagawa ko para sa kanya. Kaya ang ginawa ko nalang ay tumabi sa kanya niyakap ng mahigpit. Maybe in that way It'll make him a little better, maybe.

I was still hugging him when his phone ring.

"Excuse me, sasaguting ko lang to." Sabi nya.

"Okay sige." I replied.

FEBRYLLE'S POV:

Tumayo ako at tiningnan kung sino ang caller. "Nanay."

"Hello Nay." Ako ang naunang nagsalita.

"Hello nak? Kailan ka pa uuwi?" Kaagad na sabi nya. Tiningnan ko ang wrist watch ko. It's already 9:40pm na pala.

"Ahh ngayon na ako uuwi nay. Nandito Kasi ako ngayon kila Thea." Sabi ko.

"Okay. Ingat sa pagmamaneho anak."

"Okay po bye."

"Bye." Call ended.

Bumalik ako sa salas at namaalam kay Thea. Pagkatapos non ay kaagad akong lumabas at pinaandar ang motor ko.

Habang nagmamaneho ay napaisip ako. What should I do? Nalilito ako kung ano ang gagawin ko, should I let you be to avoid future heartbreak or risk my already broken heart?


Love Under the Crescent MoonWhere stories live. Discover now