Chapter 11

1 1 0
                                    

CRESCENT'S POV:

I told my parents what happened. Of course they were shocked sa nangyari, some of them even Got angry especially si Papa at ang tatlo kong kuya. They were furious of what he did.

"Kinginang yan sabi ko na nga ba. Hindi yun magkapagkakatiwalaan." Sabi ng pinaka nakakatandang kapatid si Kuya Charles.

"Halata naman eh. Unsang beses ko pang nakita ang pagmumukha ng lalaking yon mukhang rapist na!" Sabi ni Kuya Loki.

Tahimik lang ang Papa at ang isa ko pang kuya pero kitang-kita sa mga mata nila ang galit at puot. Si mama naman, ang tatlo kong kapatid na babae at ang asawa nila kuya Charles at EJ ay umiiyak dahil sa narinig.

Sino nga ba naman ang hindi maiiyak sa nangyari? I almost got raped by my own boyfriend.

"Magbabayad sya." Sabi ni mama.

Lumapit ako sa kanya at niyakap.

"Okay na ma, he beat them to a pulp and now he's in the jail."

"Sinong 'he' ate?" Tanong ni Eusthalia. 'Thalia' for short. Ang bunso naming kapatid.

"Yeahh ngayon pa pumasok sa isip ko, sino ang sumagip sayo?" Tanong naman ni ate lyn.

"Oo nga naman anak, para mapasalamatan natin kung sino man ang lalaking yun." Sabi ni mama.

Naka tingin silang lahat sa akin. Waiting for my answer.

I didn't told them who saved me for a reason. Kilala kasi ng mga kapatid ko na babae ang minsang pag-iibigan namin ni Febrylle. Pero wala na akong takas. My tongue slipped haha.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita.

"His name is Febrylle Grantuza." Sabi ko.

Nagulat kaming lahat ng tumili ang tatlo kong kapatid na babae at ang asawa ni kuya Charles na si Ate Che.

"Yieeee. Si Seleno! Ackkk!" They said is sync.

Habang kinikilig ang kababaihan ay naguguluhan naman si mama, papa, at ang mga kapatid kong lalaki.

"Huh? Sino yang Febrylle na yan at ano ang Seleno?" Tanong ni papa.

"Paaa! Ex yan ni ate nung teenager pa sya." Sabi ni Thalia.

"Huh? Kailan pa sya nagkaroon ng ex? " Naguguluhang tanong ni papa.

'Haysst I'll explain everything.'

"Pa, ma, kuya. Tama po si Thalia. Ex ko po si Febrylle. 10 years ago, 15 pa ako when I met him. No more like met him online pero kahit sa social media lang kami nagkakilala, pinaramdam nya sakin noon ang pagmamahal na hindi ko na naranasan ulit......" So on and so forth. I explained everything including ang reason kung bakit kami nag hiwalay.

"Ahh yes I remember that person." Sabi ni kuya EJ.

"Sya pala yung nakita kong nag comment sa post ni Che nuong kakasimula pa nyang nag online selling. Ang nakasabi sa comment nya ata 'Couple tayo nito Selene' Selene ba yon?" Dagdag pa nya.

"Ah yes naalala ko. Nakita ko ang lalaking yan sampung taon na ang nakakaraan nong nakipag video call ang asawa ko sa kanya para ipakita ni Ysha.

'Ysha ang nickname ko sa bahay.'

"Oo. Naaalala ko ang lalaking yan. Sya yung nag chat sakin at sinabihan ko syang pag niloko nya sa Ysha malilintikan sya sa akin. Pero wala na akong balita mula nuon." Sabi ni kuya Loki.

Tingnan mo nga naman. Kilala naman pala nila si Febrylle. Si mama, papa nalang ang walang idea kung sino talaga kasi wala naman talaga silang alam kasi sobrang strict nila samin. Hanggang ngayon pala.

Love Under the Crescent MoonWhere stories live. Discover now