Chapter 2 (The Suitor)

182 15 42
                                    

Shannon's POV



Pagkatapos maligo ay tanging robe lang ang ipinangbalot ko sa aking katawan tsaka kinuha ang phone. Nagugutom na ko.

Napangiti ako nang makita ang taong nag-message sa viber. Si Mr. Dark Guy...

"Sorry. I've been busy lately. How are you, babe?"

Ngayon niya lang ako tinawag sa ganung paraan. "Hmmm... Babe? Ayoko ng 'babe'."

"Owww. Sorry. Eh anong gusto mong itawag ko sa'yo?"

Napaisip ako saglit. Gustong-gusto ko ang paraan ng pagtawag sa'kin nila Mommy at kuya kaya yun na lang din siguro.

"Baby... Yun na lang ang itawag mo sa'kin."

"Okay, baby. Madali naman akong kausap eh... I just wanna ask something pala."

"G!"

"Do you find me creepy?"

"Nope! I find you...interesting, mysterious and charming."

"Charming? Really? Hindi mo pa nga ako nakikita eh."

"Yun yung vibe na nararamdaman ko sa'yo. Why don't we meet up na kaya?"

Kunwari ko lang yun dahil ang totoo ay ayoko naman talaga. Gusto ko lang makipaglandian sa isang 'to.

"Not yet, baby. Give me more time pa. Basta magkikita rin tayo."

"Naaatat na ko eh." May kapilyuhang pumasok sa utak ko. "Gusto na kitang makita para matikman ko na ang lips mo."

"Hahaha!"

"Wag mo kong tawanan. Seryoso ako sa sinasabi ko," tsaka napangisi.

"Soon, baby. SOON..."

"Ikaw din baka maunahan ka pa ng iba."

"I don't think so."

"Wow! Confident ah!"

"Hahaha... Basta you'll know when we meet."

"Sige na. Gusto ko nang matulog."

"Ang aga mo namang matulog ah?"

"Ganun talaga. Sige na. Malay mo mapanaginipan pa kita, Mr. Dark Guy... Wait! Ba't nga pala 'dark guy'?"

"It's because mahilig ako sa dark colors."

"Aaah... I see... Okay. Bye na talaga."

"Sweet dreams, baby!"

Tinawagan ko na si Kendrick para dalhin dito ang dinner ko.























































































































































































Pagsapit ng hapon kinabukasan ay mas maaga akong sinundo ni Kayne kesa sa oras na napag-usapan namin. Buti na lang bored ako kaya mas maaga ko ring naihanda ang sarili.



There's Something About HimWhere stories live. Discover now