Chapter 22 (Home)

263 11 20
                                    

Sebastian Kent's POV



Nasa chopper plane pa lang kami ay ramdam ko na ang saya kay Shan. Nagniningning ang mga mata nito pero sa kabila nun ay may naaaninag akong konting lungkot. Hindi ko alam kung para saan ang lungkot na iyun. Para ba sa mga kaibigan niya o may iba pa?

Pagkababa ay sinalubong agad ng mahigpit na yakap ni Mommy si Shan. Nag-iyakan pa ang dalawa at malamang ay dahil iyun sa labis na pagkamiss sa isa't isa.

Tanging si Mommy lang ang inabisuhan ko ng aming pag-uwi. Pinaliwanag ko sa kanya na kailangan pa ring mag-ingat para sa kaligtasan ni Shan at naniwala naman agad. Pinaubaya na niya sa'kin ang lahat.

Sa hapunan ay todo chikahan na ang dalawa habang kami ni Kendrick ay tahimik lang na nakikinig.

"Seb, hijo, ang tahimik mo yata?" puna ni Mom.

"Wag niyo po akong pansinin, Mom. Medyo pagod lang po," nakangiti kong sagot.

"Aba eh kahit nandun ka yata eh puro trabaho pa rin ang inaatupag mo."

"Sus! Sinabi niyo pa, Mom. Halos puro trabaho ang inatupag niyan doon ni kuya. Napaka-workaholic talaga," sabad niya tsaka napailing.

Bahagya akong nagulat dahil hindi ko iyun inasahan mula sa kanya pero hindi ako nagpahalata.

"Shan, wag mo nga akong nilalaglag kay Mommy," nakangiti kong suway.

Ang galing mo, baby. SOBRANG GALING MO! Ganyan nga. Ganyan dapat.

"Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo, kuya," pang-aasar niya tsaka pilyang inilabas ang dila. "Bleeeeeh!"

Ang taas pa ng energy niya hanggang ngayon. Hindi ba siya napagod sa mga pinaggagawa namin kanina bago umalis sa beach house? Halos hindi ko siya tinantanan at hindi kami matapos-tapos sa pagbibihis dahil sa gigil ko sa kanya.

Natawa si Mommy tsaka napailing. "Hay naku! Ikaw talaga, hijo."

"Dito na lang po ako babawi ng pahinga, Mom."

Pasimple akong tumingin sa kanya na nakaupo sa tabi ko at saktong nagtagpo ang aming mga paningin.

Pinaningkitan ko siya ng mata. You better be ready kapag na-solo kita, baby. Tingnan natin kung makakatayo ka pa. Kakagatin ko yang mga labi at dila mo!

Totoo ba 'tong nakikita ko? Kahit ayaw niyang ipahalata ay may nakikita akong pagnanais sa kanyang mga mata.

Napalunok siya tsaka umiwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa kinakain.





































































































Sinadya kong maunang matapos sa pagkain at sa kwarto niya dumiretso upang doon siya hintayin.

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa at siya naman ay napalunok nang makita ako pagpasok. Mukhang inasahan niya na ang presensya ko dito.

"Lock the door," maawtoridad kong utos habang lumalapit sa kanya at hindi inaalis ang paningin.

Nang matapos nitong sunurin ang utos ko ay kinabig ko sa baywang upang ipaharap sa'kin at isinandal sa pinto.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad itong sinibasib ng halik sa labi.

"Nag-aaya---si---Mommy---na uminom---" hinihingal na sambit nito sa pagitan ng mga halik. "Sobra---niya---daw---tayong namiss---kainuman---"

There's Something About HimOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz