09

36 0 0
                                    

Klau's POV
Feeling ko kung ano ng pinagsasabi ko pero hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko. Hindi ko alam na ganito pala epekto ng alak, kasi kung alam ko, hindi na sana ako uminom!

Tahimik lang akong nakatayo sa likod ni Third habang kanina pa siya umiinom ng alak dahil palagi kami yung talo. Palibhasa ang galing na ng mga kalaban namin. Magaling din naman si Third pero wala yata ang spirit of luck sa 'min today. Nadidistract din ako kasi ang bango ni Third. Sobrang pogi at tangkad din niya.

May gusto ba talaga 'to sa 'kin?

Baka gawa gawa lang ng mga tao 'yun.

Nakakahiya naman kung totoo nga.

Bakit siya magkakagusto sa 'kin? Paano? Marami kayang magagandang babae sa paligid niya.

Naubos ko na yung bottled water na binigay ni Third sa 'kin at ilang oras na ring nakalipas simula nung huling uminom ako. Si Third na naman yata yung lasing dahil kanina pa siya nakakapit sa mesa.

"Huy, okay na, kaya ko ng uminom ulit," bulong ka sa kanya kaya napatingin siya sa 'kin.

"Hey," lasing na nga siya.

"You're here?" wala sa sariling tanong niya sa 'kin.

"Ha? Oo, ako kaya kasama mong naglaro," sabi ko at kinuha yung bottled water sa gilid niya.

"Umupo ka muna, baka mapano ka," sabi ko kaya umayos siya ng tayo at dahandahang naglakad.

Umupo siya sa isang sofa at sinandal niya yung ulo niya sa headrest. Pinikit niya yung mata niya kaya lumapit ako para ilagay yung tubig sa mesa sa harap niya.


Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Can you sit beside me for a while?" mahinang sabi niya pero narinig ko pa rin 'yon. Nakapikit pa rin yung mata niya habang nakahawak sa kamay ko.

"Just for a while," pag uulit niya nung naramdaman niyang hindi ako gumalaw.

"Do you have a boyfriend already?" nagulat ako nung bumukas yung mata niya at deretso siyang tumingin sa mata ko.

"H-Ha?" natataranta kong sagot.

Pumikit ulit siya bago binitawan yung kamay ko.

Sinuklay niya yung buhok niya gamit yung kamay niya at kinuha yung cellphone niya.

"May itetext ka?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

"May kukuha ba sa 'yo?" tanong ko ulit pero mukha siyang walang narinig.

Wala naman yata 'tong gusto sa 'kin.

Agad akong naglakad papunta sa labas nung naramdaman kong okay na naman siya. Malaki na naman 'yon at obvious naman na mahilig siyang uminom kaya siguradong buhay pa 'yon bukas.

Lumabas na ako sa bar at umupo ako sa isang bench sa labas para magpalipas ng gabi.

Nagulat ako nung biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong kinuha 'yon sa bulsa ko.

Full of 'You'sWhere stories live. Discover now