Chapter 48: Sneaky Motive

21 3 0
                                    

Madison's POV

Back to work again, this time commute na lang ako pero kasabay ko pa rin si Zander, maghahanap daw sya ng new work eh, hinatid nya muna ako bago sya naghanap na work..

At the Headquarters...

"Sunduin na lang kita after work okay?" say ni Zander sa akin

"Alam ko na po yun, umalis ka na baka mahuli ka pa sa job interview mo eh, saan ba yun ah?" tanong ko sa kanya

"Malalaman mo na lang pag natanggap ako okay? So bye! I'll pick you up at 6pm!" sabay beso sa akin ni Zander then umalis na sya and I headed inside

At the Office...

Busy much ako sa mga reports kong naiwan dahil sa drama last week..

"Uy Madison, kumusta naman si Zander?" biglang tanong sa akin ng ka-officemate kong si Jaymee

"Ayun, naghahanap ng trabaho ngayon.." simpleng sagot ko sa kanya

"Totoo bang nililigawan ka nya? Yung mga pictures na lumabas sa news? Totoo yun?" hay kay aga agang chika nito, kaysa magdeny na pa ako, sabihin ko na lang

"Yup, nanliligaw nga siya sa akin and those pictures, sa EK yun, dun nya kasi ako dinala and to be exact dun nya ako dinala for a date.." kwento ko kay Jaymee habang busy akong magtype

"Napakasweet naman pala ni Zander, ang laki ng pinagbago nya simula nung umuwi sya dito sa Pinas, alam mo na rin ba yung tungkol sa parents nyang naaksidente?" tanong sa akin ni Jaymee

"Nakwento na nya rin sa akin yun, kaya raw sya nagrebelde at nagpasaway noon dahil ulila na nga sya sa magulang.." say ko kay Jaymee

"Kakaawa nga si Zander eh, umalis na sya sa grupo then wala na rin syang parents to be with him in time of this, so Madison? Saan ngayon nakatira si Zander?" ang daming chika nitong babaeng to ah

"Jaymee? Ano ba ako ni Zander? Secretary? Di naman di ba?" mas mabuting wala nakakaalam kung saan tumitira si Zander para di na rin sya guluhin

"Sorry naman, nagtatanong lang naman ako eh? Curious lang ako saan ngayon nagtitigil si Zander habang naghahanap sya ng bagong work.." say ni Jaymee at tumigil na rin ito sa kadadaldal sa akin, wala akong matatapos nito eh

Fastforward...

After work

Natapos ko rin sa wakas ang mga paperworks ko, hay nakapag-out na rin ako and I'm about to enter the elevator when...

"Well, well! Tapos na pala ang leave ng apple of the eye ng press?" napalingon ako kung sino yung nagsalita

"Pakealam mo naman!" pagtataray ko kay Kenneth, bigla akong inakbayan ni Kenneth

"Napakataray mo naman ngayon Madison, ano bang pinakain sayo ng mokong na yun at ganyan ka na kasungit!" say ni Kenneth na mas lalong hinigpitan ang akbay nya sa akin, masakit na ah

"Pwede ba kung wala kang matinong sasabihin, pwede bang bitawan mo ako!?" inis kong sabi sa kanya

"Paano kung ayaw ko!?" nasasaktan na ako sa higpit ng akbay nya sa akin

"Kenneth!? Ano ba!!? Nasasaktan ako!!? Bitawan mo nga akong buysit ka!!?" say ko sa kanya

"Edi bitawan!" sabay alis ng kamay nya sa pagkakaakbay sa akin, ang sakit nun ah, mukhang may pasa na naman ako nyan, this time sa balikat ko naman

"You know what Madison, I can do anything now! Now that your hero is not around here to protect you.." lalo akong iniinis nitong Kenneth na to ah

Saranghae, My Euphoric GirlWhere stories live. Discover now