Chapter 53: Kenneth VS Zander

18 2 0
                                    

The Night before the competition...

At Zander's Room..

"Zander naman bakit ka pumayag hah!?" sermon ni Madison kay Zander matapos nilang kausapin si Kenneth

"Madison, racing lang yun alam mo naman trained kami sa mga ganyang competition.." paliwanag ni Zander

"Bakit ba kasi kinausap pa natin yang ungas na lalaking yan eh!" reklamo ni Madison

"Madison, we know Kenneth and he is not going down that easy gusto nyang may gagawin syang nakakalibang bago nya tuparin ang sinabi nya!" say ni Zander

"So madali na lang sayo na pumayag ka na lang na makipagkarera sa lalaking baliw na tulad ni Kenneth ganon?" patuloy pa rin ang sermon ni Madison

"Car Racing yun Madison, yun ang way na libangan namin kapag nagkakaasaran at nagkakainitan kami kapag ang usapan ay sersyosohan na.." patuloy pa rin sa pagpapaliwanag si Zander kay Madison

"Alam ko na car racing yun, eh paano kung may masamang pakay yun racing na yun hah? Kaya hinamon kang makipagkarera, Zander naman, kilalang kilala mo na si Kenneth, hindi sya titigil hanggang walang nasuko sa atin, kaya gagawa sya at gagawa ng paraan para ibagsak ka!" hindi pa rin konbinsido si Madison sa car racing na yan

"Madison, kaya ko to okay? Alam ko ang ginagawa ko, ayaw ko makita kang ganyan napaparanoid dahil sa tinanggap ko ang hamon ni Kenneth na makipagkarera, trust okay? Hindi ko ikapapahamak to okay?" sabay hawak ni Zander sa mga kamay ni Madison

"Ikaw lang naman inaalala ko dyan eh! Car Racing yan, maraming pwedeng mangyari kasi eh? Baka mas malala pa yan sa mga nangyayari sayo eh.." malungkot na sabi ni Madison

"Trust me on this okay? Alangan naman pabayaan ko sarili ko eh di ko pa nakukuha ang matamis mong Oo, kaya please Madison, alam worried ka sa akin, but I had to do this for my parents, I had to do this okay, trust me! Walang mangyayaring masama okay?" niyakap na lang ni Zander si Madison

"I trust you, please just be safe.." bulong ni Madison sa kanya

"For you, I will.." tanging sambit ni Zander kay Madison

Racing Field....

Dumating na ang araw na kinakatakutan ni Madison, ang karera na di mo alam kung sino ang magwawagi..

Dumating na sila sa lugar kung gaganapin ang racing, nandoon na si Kenneth kasama sila Jason, Kevin, Dreyk at Steven..

"Buti hindi ka naging duwag sa hamon ko sayo?" pagmamayabang ni Kenneth

"Ibang usapan na to Kenneth, tungkol na to sa parents ko, kailangan ko bawiin kung ano ang dapat sa kanila na kinuha ng pamilya mo dahil sa inggit.." simpleng sambit ni Zander na ikinagulat nila Jason

"Bro? what do you mean about bawiin ang dapat sa parents mo?" tanong ni Jason kay Zander

"I-kwento ko na lang sa inyo after the race bro.." tanging sambit ni Zander

"Ready for the final battle Alexander Kim!? The real heir of the BnD Company?" matapang na hamon ni Kenneth

"Kagabi pa Kenneth, mabuti pa tapusin na natin to!" say ni Zander kay Kenneth, nagsmirk lang si Kenneth at nauna na siyang sumakay sa isang sasakyan

Humarap si Zander kay Madison..

"Be safe okay?" bilin ni Madison kay Zander

"I will.." sabay yakap kay Madison

Saranghae, My Euphoric GirlWhere stories live. Discover now