Chapter 49: Bonding with the Boys

17 3 0
                                    

Zander's POV

Nakauwi na kami galing sa office, medyo masakit yung labi ko aray...

Kinuha ni Madison yung first aid kit at ginagamot ang sugat ko

"Oh anak? Anong nangyari dyan kay Zander?" takang tanong ni tito kay Madison ng dumating sya galing work

"Naku daddy nakipagboxing kay Kenneth, ayun sya tuloy knockout!" say ni Madison sa daddy nya habang nilalagyan ng gamot ang sugat ko

"Aray! Madison, masakit!" reklamo ko sa kanya

"Magtiis ka kung ayaw mong ma-infect yan!" say ni Madison sa akin habang nilalagyan ng gamot ang sugat ko gamit ang cotton buds

"Gaano kasakit ba iho?" tanong sa akin ni Tito

"Masakit tito, pumutok na kasi kay medyo namaga.." say ko kay tito, tapos ng lagyan ng gamot ni Madison

"Ano ba kasi pinag-ugatan ng boxing nyo?" si Tito

"Nahuli ko po kasing may ginagawang kalokohan si Kenneth kay Madison kaya eto po napala ko!" say ko kay Tito

"Anong kalokohan?" naging serious bigla si Tito

"Tama ng intriga daddy, tapos na yun.." change topic ni Madison

"Anong kalokohan ang gagawin sayo ng lalaking yun!?" medyo nagtaas na ng boses si Tito, napakagat ng labi si Madison sa takot

"Tito, hinay hinay lang po.." say ko kay tito

"Beatrice Madison, anong nangyari?" tanong ulit ni tito kay Madison

"He pin me on the wall and he attempt to--" nakayukong sagot ni Madison

"Tinangkang pagsamantalahan po siya ni Kenneth tito.." tinapos ko na ang sasabihin ni Madison dahil alam kong di nya kayang sabihin sa harap ng daddy nya..

"Ano!!!?" tumaas ang boses ni tito

"Hon! Ano bang nangyayari?" takang tanong ni Tita ng marinig ang boses ni tito

"Tito, hindi naman po natuloy nahila ko po agad palayo si Kenneth kay Madison, kaya wag na po kayong magalit.." paliwanag ko po

"Eh papaano kung di ka nakarating sa oras! Baka ng nangyari na!" sambit sa akin ni tito

"Daddy! Di naman natuloy eh! Pasalamat ko na lang dumating si Zander eh!" nanginginig na sambit ni Madison dahil sa takot nya sa daddy nya

"Pasalamat ka na nga lang dumating si Zander, pero kung hindi!! May kalalagyan yang Kenneth Lee na yan!!" sambit ni tito sabay alis papunta sa kwarto nila

Napaupo na lang si Madison, mangiyak ngiyak, umupo ako para pakalmahin sya..

"Ako ng kakausap sa daddy mo.." sambit ni tita kay Madison sabay pasok sa kwarto nila

"Tahan na uy!"sabay himas ko sa likod nya

"First time akong pagtaasan ng boses ni daddy ng ganon!" sambit ni Madison sabay punas ng luha

"I'm sorry nahuli ako ng dating.." sambit ko kay Madison

"Wala ka naman kasalanan don eh, di ko na-manage ipagtanggol ang sarili ko eh, pero thank you dahil dumating ka!" she look at me

"Di ba sabi ko sayo di ako mawawala sa tabi mo, kahit ako na lang masaktan wag lang ikaw.." niyakap ko na lang sya to ease her pain and she hugs back..

"Thank you!" she mouthed and I just smiled

Saranghae, My Euphoric GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora